ACEBOMB
Showing posts with label Aling Beka. Show all posts
Showing posts with label Aling Beka. Show all posts
fRienDly nEigHborS (PART 2)...

Sobrang init ng weather. Buti na lang at hindi na kailngang utusan si Pauline at may kusang palong bumili ng RC cola sa tindahan sa baba.
May naisip na namang bagong hobby ang mga neighbors ko. Ang saya saya. Nagsawa na yata sa pangookray ng life ng iba pang silent neighbors kong karamihan ay members ng Iglesia ni Cristo. Pagsilip ko sa terrace ay nakita ko silang kumpol kumpol sa isang tindahan sa ibaba ng 2nd floor. Starring Aling Beka ang the gang. Promotor pa yata ang bruha. Hmmmpf. Ang iingay nila. Pati si Kagawad Alex na dapat na huwaran ng entire neighborhood ay nakikijoin force sa kanila. At take note ito pa ang bumobola.

KAGAWAD ALEX: Sa letrang "G", doble ang singko. Five, Five. Singko Singko.

Sabay bola ulit ng lalagyan ng mga numbers.
(Takatakatakatak)

Korek. B-I-N-G-O naman ang nadagdag sa daily routine ng mga gossip girls sa baba. Siguro hindi nila feel ang Daisy Siyete kaya pagkatapos ng Eat Bulaga ay nagiipon ipon na sila na para bang may feeding program.

KAGAWAD ALEX: Sa letrang "B", batambata. Hindi pa negdedebut. Sweet na sweet ang 16. Sa "B", disi-sais. Sa "B", sixteen.

(Takatakatakatak).
ALING BEKA: GAndahan mo namang bumola kagawad. Pumoporo na ako sa "O" eh.

Kahapon, nagblackout BINGO naman sila. Nagaway away pa. Pano ba naman si Aling Ano sumigaw ng BINGO. Nung dinobol check yung card niya (they just don't trust each other), kulang ng isang number para mabuo yung buong card. Manggogoyo pa. Hindi daw niya napansin. KALOKA.
MakiBINGO kaya ako sa kanila. Pero ayoko. Hindi ko feel. I'm not into smuggling. Hindi nga ako marunong tumaya sa jueteng. Sa baraha naman ungoy unguyan lang yata ang alam kong laruin.
Naaasar ako. Nadagdagan na naman ang galit ko sa mundo. Kung pwede lang idemanda mga hitad kong neighbors sa kasong pagkakalat ng ingay, o kaya noise pollution, matagal na sana akong gumawa ng report. Baka naman hindi ako pansinin ni Mike Enriquez kapag isinumbong ko sila sa Imbestigador. Haaaaay.
KAGAWAD ALEX: Sa letrang "B", mataba, unat na unat, ang UNO. Sa letrang "B", number one.
(Takatakatakatak)
ALING BEKA: Alugin mo kasing mabuti. Bumunot ka naman sa "O"!
Teka nasaan ba si Pauline. Pinabili ko lang ng RC cola sa baba. Ang tagal naman bumalik. Baka naligaw na.
KAGAWAD ALEX: Sa letrang "I", malapit na. 98 days na lang. Pasko na. Bente Singko. Sa letrang "I", twenty-five.
PAULINE: BINGOOOOOoooooo! Yuhoooo! BINGooo Ako!!! WInner Aketch!!!



fRienDly nEigHborS
Aling Beka


Lekat talaga itong mga kapitbahay ko. Sobrang madadrama ang buhay. Hindi ko alam kung matatawa ako o maasar kapag nakikita ko silang nagbabakbakan. Para akong nanonod ng pelikula starring Chanda Romero at Mark Gil kapag nagputakan na sila.
Pitong taon na kaming nakatira sa apartment naming studio-type d2 sa Bukid, Malate. Sa ngyon ay ang kapatid kong si Samantha lang ang kasama ko dito. Minsan ay nagpupunta at dito natutulog si BHE. 4 na floors lang naman ang building at ska may rooftop sa tuktok (malamang nasa tuktok ang rooftop). Sa second floor kami kaya lahat ng istorya ng buhay ng mga kapitbahay ko, sa ayaw man at sa gusto ko, sagap na sagap ko. Hindi ako nakikipagtsismisan sa kanila siyempre kasi may sarili akong mundo pero kapag nagsigawan na at nagpalitan na sila ng malulutong na murahan na kinekendi lang nila sa mga bunganga nila, sapul na sapol ang mga tenga namin.
Si Jenny nga daw na nakatira sa 3rd floor ay isang kabit, sabi nung isang kapitbahay namin na si Aling Beka na nakakairitang magkwento pero nakakaentertain ang mukha dahil todo sa facial expression na parang reenactment ang tsismis na ikinakalat. May anak daw sa probinsiya si Jenny at dahil sa hirap ng buhay ay nagtrabaho dito sa isang club dito sa Maynila at nagkaroon ng isang customer na police na ibinabahay siya ngyon, sa 3rd floor nga, at binigyan pa siya ng isang katulong. Ewan ko lang kung totoo, hehehe. Pero may nakikita akong matandang lalaking dumadalaw sa kanya na may dala dalang grocery items lagi. Hindi ko naman kasundo si Jenny. Sexy lang siya pero lukot ang mukha. Simangot pa. Minsan nakaaway ko yun kasi masyadong maepal sa landlady namin, lagi kami isinusumbong kasi maiingay daw kami. Sinagot sagot ko nga. Umandar pagiging warfreak ko. Hayun, hindi na nakikialam sa mga buhay namin.
Tapos yung dalawang magkapatid na gurl na nakatira naman sa 4th floor, nang nakakwentuhan ko minsan ay nagtatrabaho naman daw sila sa call center kaya wala sila sa taas madalas sa gabi. Iba naman ang version ni Aling Beka. Siyempre hindi pahuhuli ang bilat sa pagbroadcast ng nasasagap niya. Mga callgirl daw yung magkapatid. Ingles lang daw ng ingles kasi mga Bisaya. Hindi daw halata kasi ang pagiging matigas ang dila ng isang Bisaya kapag ingles sila magsalita. Bilib din ako kay Aling Beka, sa lahat ng tsismosa, siya lang ang nagjujustify ng mga sinasabi niya, hehehe. Pero parang may point si and dakilang tsismosa eh, kasi ilang beses na sa tuwing binubuksan ko ang pinto ng apartment namin ay nakikita ko yung magkapatid na papaakyat sa hagdanan na may kasamang iba't ibang lalaki. Take note, 3 beses ko yata nakitang foreigner naman ang kachukchakan nila (sumasanib yata sa akin si Aling Beka). After 5 months, nalaman ko na lang na buntis yung isa sa magkapatid at ang ama ay ang anak ni Aling Beka na si Marlon na teenager pa na mukhang hoodlum na walang ginawa kundi pumalakpak sa bubong ng bahay nila kasi tinatawag niya ang mga alagang kalapati. Simula noon, hindi ko na narinig na itsinismis ni Aling Beka yung mga taga 4th floor. Iba na ang kanyang subjects to destroy.
Yung mga friendly neighbors ko sa baba ng apartment, magkakamag-anak pero magkakaaway. Naging source of entertainment ko na sila kapag nagaaway away na sila. Naabutan ko nga sila kanina kaso hindi ko naivideo yung fight scene. Yung sigawan lang. Comedy nga labas ko kanina kasi kamamadali ko sa pagset ng cellphone ko sa video para icapture ang moment nila ay napress ko ang shutter (sony erickson) at biglang nagflash yung camera, nakaimage mode pa pala. Natigil ang away at napatingin silang lahat sa akin. Gusto ko sumigaw ng "IBOBLOG KO YAN!!!", pero d ko na lang sila pinansin, kunwari nagtetext ako. Hayun, tuloy lang sila, nagsabunutan pa. Sayang hindi ko navideo.


ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!