ACEBOMB
eSpadaHaN sA rOofTop
" Minsan sa ating buhay, makakatagpo tayo ng isang tao, isang taong hahaplos sa ating pagkatao....."

Kinilig naman hanggang buto sa unang lines ng pilot episode ng "Stairways to Heaven" kanina. Hindi ko napanood ng original version nito kaya si Dingdong at Rhean na may bangs na lang ang papanoorin ko. Naalala ko tuloy ang bhe ko. Nandito siya kanina kasi gusto daw niya kumain ng longganisang dala ng ermat ko galing probinsiya. Sabay namin pinanood si Cholo at Jodi na may bangs. May pasalubong pa siyang eggpie para sa nanay ko pero ako lang ang kakain. Nga pala, hindi alam ng ermat ko, erpat ko, at kahit sino pang members ng family ko na magjowa kami. Magbestfriend lang ba, hehehe. Ito kasing si bhe ay mas astig pa yata sa akin. At hindi mo mapagkakamalang kauri din ni Agent Boytoy.

Apat kaming nakaharap sa t.v. kaya bestfriend mode lang kami .Tinatanong siya ng ermat ko ng kung ano ano kapag commercial (close sila ng mama ko, as in). Si Samantha naman ay nilalantakan ang eggpie na 3/4 na lang ang natira. Madalas ay nagkakatinginan kami ni bhe. 3days na kasing nandito sa apartment namin mama ko. Dumalaw lang sa amin. Kaya 3 days na ding hindi kami naglalambingan ni bhe ng sarilinan, hahaha. Nagpipiyano si Cholo ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext sa akin.
BHE: Bhe, luv u po. miss u po.

Nangingiting napatingin ako sa kanya. Kaharap ko lang siya pero naglalambing ang loko. Siyempre, dahil unlimited text ako, magrereply ako.

ACE: Luv u 2 po. Nabusog ka po ba sa longganisa?

BHE: Opo bhe, pero ibang longganisa po ang gusto ko kainin. hehehe...

ACE: Loko ka bhe, nandito yung dalawa. Pagalis na lang ni mama.

BHE: Baka matagal pa siya umalis bhe eh. Hindi ko na po kakayanin na hindi ka lambingin po.

ACE: Pano po ang gagawin ko eh may tao nga dito?

BHE: Dating gawi na lang tayo bhe.

ACE: Anong dating gawi?

BHE: Dun tayo sa rooftop.

Hindi na niya nahintay na magreply ako at nagpaalam siya kay mama na may bibilhin sa labas.

BHE: Tsong, samahan mo ako sa mercury drug sa labas. May bibilhin lang akong gamot. (Tsong ang tawagan namin kapag may nakaharap na ibang tao, hehehe). Tita, labas po muna kami, may ipabibili po kayo?

NANAY KO: Wala sige, Ingat kayo. Palock yung pinto paglabas niyo. (Sa labas ng pinto ang hagdanan papunta sa rooftop.)

Ganun kami lagi ni Bhe. Kapag gusto naming magkasarilinan at may tao sa 2nd floor ay sa rooftop kami nagpupunta. Open dun kaya preskong presko. May sariling c.r.Overlooking Makati din lalo na kung aakyat ka sa tuktok ng c.r. Madalas nga ako nakakaboso dun sa bintana ng kwarto ng mga kapitbahay kong mabababa lang ang bahay. Manyak pa ako nun, pero ngyon kay bhe na lang ang mga mata ko. MAY GANUN!!!

sa rooftop....

(Siyempre, hindi na text sa cellphone ang usapan dito.)

BHE: Parang ang suplado mo ngyon?

ACE: Ikaw kasi eh, hindi ka dumadalaw dito. Dapat nga samantalahin mong nandito si Mama kasi Mama mo din siya.

BHE: Alam ko naman po yun Bhe. Mag-asawa po tayo kaya po nanay ko na din siya. Tapos tatay ko na din po si Tatay mo. Busy lang po sa work talaga. At saka kahapon lang po kita hindi napuntahan Bhe, d ba?

ACE: Oo nga noh. Hehehe. Ah basta. Miss u so much po kasi (umaarte).

BHE: I love u po. Happy ka po ba bhe kasi nandito po ako sa tabi mo ngayon?

ACE: Opo bhe.Lagi ako happy kasi alam kong nandiyan ka lang.(kinikilig)

BHE: Okey lang ba na ikiss po kita kasi miss na miss na po kita bhe eh.

ACE: Oo naman bhe, sayong sayo naman po ako eh.

BHE: Bhe, d ba linya ko yun?

ACE: HAhahaahaha....kiss mo na lang ako bhe. Gusto ko sa lips.

BHE: Opo bhe, pero hindi lang sa lips ang gusto ko. Pati dun kay ano. (Sabay ngiti ng nakakaloko.)

Sino ba naman ang makakatanggi. Maliwanag ang buwan sa langit. Pero madilim sa part na iyon ng rooftop. BELAT!!!

Labels: , , , , , edit post
2 Responses
  1. Anonymous Says:

    waaaaaaaaah! muli bang nabuhay si boytoy??? hahaha! taray. pasweet talaga??? hahaha!


  2. acebomb Says:

    hahaha...sweet talaga ako..tnx dilan sa pagtitiyagang magbasa ng posts ko hehehe


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!