26
Sep 2009
Grabe to da max si bagyong Ondoy. Mas malakas pa sa hangin ko ang lakas. Dehins tuloy ako makalabas ng bahay. Buti na lang at Sabado dumaan at walang pasok. Kung hindi ay nag-ala little mermaid na siguro ako sa baha na may dead na daga (yaikz!). Si Bhe nagrereklamo. Kasi sa SM siya nagwowork. Pinasok daw ang loob ng mall at para daw waterfalls yung hagdan papunta sa lower ground floor. Then sa labas daw ng mall ay hanggang dibdib ni Gina Pareno ang tubig. At siyempre nanamantala daw ang mga diyaskeng pedicab at tricycle driver. Nakijoin force din ang mga kalesa kutsero. Akalain mo, nang nagtry daw siyang sumakay sa mighty pedicab ay gusto daw maningil ng driver ng 130 isang passenger. Pero kung sa tuktok ka ng kawawang pedicab ay 100 lang (may discount nga pero basa ka naman). Dehins daw niya kinagat. Sa tricyle naman ay 200 ang bayad at 150 sa labas. Ang kalesa, 300 daw ang fare. Aba, ayos ah. Hehehe. Sana matapilok mga kabayo ng mapagsamantalang citizen na yan. Period. Ang ending tuloy ni Bhebhe Ram ko ay nagAlay-lakad papunta sa Central Terminal station. Keep swimming, keep swimming (ala Dowry ng finding Nemo) lang daw ang inoorasyon niya while walking. Hayun at nakauwi din siya sa amin, mas malapit kasi ang haus namin kesa sa hauz nila from work. Hassle kung sa kanila pa siya uuwi.
Ang sarap kumain at matulog while umuulan. Nagluto si Pauleen ng congee na may sahog na
chicken. Kaso dehins perfect kasi lumulutang ang sahog sa dami ng sabaw. Pero okey na din kasi masarap humigop ng hot soup. Nagrereklamo pa ang loka ng sinabi kong hindi masarap kasi obra maestra daw niya yun. Haaaay. Buti na lang at nag 100 percent na yung dinodownload kong Drag Me to Hell sa bittorent kaya watch mode kaming apat (AKO, si Ram, si Samantha at Pauleen). Akala mo DOLBY DIGITAL ang buong sala. OA lang si Pauleen sumigaw na yumayakap pa kay Ram. Ang sarap talaga pagkukutusan sa ulo ng mga taksil. Hmmmmmpf.
Pagsikat ng Haring araw this morning (malamang!), nag-aya si Bhe
Pinagtiyagaan na lang naming ubusin ang tirang lugaw ni Pauleen.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment