ACEBOMB
rAm mEetS Pauleen
Tok! Tok! Tok!

PAULINE: Kuya Ace may naghahanap sayo. Pinapasok ko na, gwapo eh.

Kasalukuyan akong naghihilod kanina ng siko at tuhod sa banyo ng kinatok ako ni Fhaong na Pauline na pala ngyon.

AKO: Sino daw siya?

PAULINE: Si ano daw siya, teka, tatanungin ko ulit, nalimutan ko.

Maaga pa lang kanina kaya nagisip ako kung sino ang pwede kong maging bisita.

PAULINE: Si RAM daw siya Kuya Ace. Pinanood ko muna ng t.v. (sigaw ni Pauline para marinig ko siya sa loob ng banyo).

Naalala ko Sabado pala ngayon. Restday ni Bhe sa work. Routine na niya na every RD niya ako ang pinupuntahan niya. Looking forward pa naman ako sa Darna mamaya kasi alam na ni Narda na si Rita Avila ang nanay niya at saka naging Paloma Durantes na si Rosalinda kaso sa Lunes pa pala yun ipapalabas.

Paglabas na paglabas ko ng banyo ay hinarang ako Pauline.

PAULINE: Kuya ang cute naman ng visitor mo. Kutis ni Sto. Nino ang skin at saka kaface ni Justin de Leon ng Viva Hotmen. Ipakilala mo ako, pleaaaaaaase.

AKO: Sinong Justin de Leon (keber lang, pero kilala ko din yun). Pagbihisin mo muna ako at nakatowel lang ako.

Sinilip ko kung si Bhe nga ang dumating at siya at nanonood ng t.v. sa sala. Pagkabihis ko ng sando at boxer ay pinuntahan ko na siya.

BHE: Sino yung nagbukas ng pinto? Nasaan si Samantha (bulong sa akin ni BHe)?

AKO: (Bulong din) Si Pauline yun. Pinsan ko. Sori, 'di ko nga pala nasabi sayo. Dito daw muna siya stay hangga't naghahanap ng work. Biglaan dating niya nung isang araw. Behave muna tayo Bhe. Hindi niya alam na ano eh. Bestfriend mode muna tayo, hehehe. Si Samantha maaga pumasok sa school, may community service daw.

BHE: Ganun ba? Pano yun? May iistorbo lagi sa atin kasi nandito pinsan mo?

AKO: Eh parang ganun na nga. Teka pakilala kita. Pauline, halika dito sandali.

PAULINE: Yes, Kuya Ace, my Dear. Pinapalambutan ko yung bakang dala ko nung isang araw para lunch natin leytah. What can I do for you?

AKO: Ayos. Sarapan mo ha. Si Kuya Ram mo pala (sabay turo kay ko kay Bhe.) Bestfriend ko. MAsanay ka na sa mukha niya at araw araw mo makikita mukha niya dito. Si PAuline, 2nd cousin ko.

PAULINE: HAy naku Kuya Ace. Hinding hindi ako magsasawa sa mukha nyang BFF mo dahil mala kerubin (Sabay upo sa pagitan naming dalawa ni BHe ang loka.) I'm Pauline nga pala. 19 years old pero baby face pa. Binibining Munoz 2008. Motto in life ko is Time is Gold. Bagong salta lang ako dito sa Maynila kaya need ko ng tour guide. Pwede ka ba koya?

NAgbebeatiful eyes pa ang loka loka habang inaabot ang kamay kay Bhe para makipagshake hands. Si Bhe naman. hindi agad inabot ang kamay sa pagkabigla. Napahagikhik na lang ako sa gilid ng sofa.

PAULINE: Anyway, nice meeting you Kuya Ram. Pagtimpla ko muna ikaw ng juice, ok? Wait mo beauty ko at ang pinakamasarap na juice sa balat ng lupa, wait, wait lang.

Habol tingin namin ang papalayong Pauline ng biglang hagalpak ng tawa si Bhe.

BHE: Grabe pinsan mo Bhe. nasa lahi niyo ba talaga?

AKO: Excuse me Bhe ha. Hindi naman ako ganyan. Grabe ka naman.

BHE: Binibiro lang kita po. Huwag na magtampo, ok, ok, ok? (sabay kurot niya sa dulo ng nose ko, syimpre kilig na naman ako).

AKO: UI, delikado tayo Bhe, baka makita tayo ni Pauline. Patay tayo niyan. Usog ka ng konti dun.

BHE: Si Bhe naman. Ipinagtatabuyan ako. Ayaw yata ako katabi. Sige ikaw din. Pauline, matagal ka pa ba diyan. Medyo uhaw na kasi ako eh. Gusto ko na matikman yang juice mo.

PAULINE: (Humahangos) Heto na Kuya Ram. MAsarap yan, sobra sobra. Sinasayaw ko pa yung steps ng nestea habang tinitimpla yan, yung itaas ang kamay at iwagayway, ibotoms up ang saya, hihihi (naupo ulit sa gitna namin ni at yumakap sa braso ni Bhe). Pasensiya ka na sa akin Kuya Ram ha, bakla kasi ako eh. Pero may dignity. ANg bango mo naman Kuya.

BHE: Ok lang yan. Sige lang. Matagal na ding walang yumayakap sa akin. (Sabay tingin sa akin ng nakakaasar). Tapos yung gusto kong gumanyan sa akin, inaaway pa ako.

Sarap sakalin ng dalawa. Kung hindi ko lang pinsan 'tong si Pauline, baka kinatay ko na at pinagalsa balutan ko pa. Aba'y tinamaan pa yata at nagkacrush sa Bhe ko. Ito namang si Bhe, tuwang tuwa kapag naaasar ako. Kailangang matapos ang kahibangan ni Pauline.

AKO: Ui PAuline, favor naman, pwede pakuha sa rooftop yung sinampay ko kahapon. Baka kasi umulan eh, wala akong isusuot mamaya. Please.

PAULINE: Sure Kuya Ace kong pogi. Wait ka lang diyan Kuya Ram ha. Itutuloy ko moment ko. Hihihi.

Kekembot kembot na lumabas ng pinto ang loka loka.

BHE: Bhe, namumumula ka. Ang cute cute mo kapag naasar ka (kurot na naman sa ilong). Don't tell me nagseselos ka kay Pauline.

AKO: Ewan ko sa iyo. hmmmmpf. Lagi mo na lang ako pinagtatawanan (paawa effect).

BHE: 'Wag na magalit ang Baby ko, ok? Alam mo naman pong love kita eh. May itatanong nga pala ako sayo bhe.

AKO: ('di na ko galit kasi sinabi na ni Bhe yung magic words, of course) Ano yun Bhe?

BHE: Naibaba mo ba yung panyong pinagpunasan natin ng domats natin nung ngaloving loving tayo sa rooftop nung isang araw?

AKO: Huh? Hindi po bhe ah.'Di po ba ibulsa mo pagkatapos natin?

BHE: Hindi po Bhe. Ang alam ko po kasi dala dala mo po. Basang basa po kasi ng domats natin yun bhe. Dun po natin naipunas kasi walang tubig sa rooftop.

Napaisip kami ni Bhe kung nasaan yung panyo ng biglang dumating si Pauline na dala dala ang mga sinampay.

PAULINE: Kuya Ace, tuyo na mga sinampay mo. Ang bilis palang makatuyo dun, kasi sobrang lakas ng hangin. Buti inipitan mo ng pang-ipit sa damit. Kaso may nahulog pa din sa sampayan. Nakita ko itong panyo sa gilid ng rooftop. Kahapon pa siguro nahulog 'to kaya hindi natuyong mabuti. Hindi maganda ang amoy eh. Amoy malansa.

Sabay abot sa akin ng panyong hinahanap namin.

Nagkatinginan lang kami ni BHE.






Labels: , edit post
1 Response
  1. Anonymous Says:

    hahaha. malansa ngang talaga.


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!