ACEBOMB
mgA mUMuNtiNg paNGarAp..
Sa tuktok ng rooftop.
September 30, 2009.
Siguro bandang alas-eleven ng gabi.
AKO at si Bhebhe Ram ko.


AKO: Namiss ko yung ganito Bhe. Nakahiga tayo dito sa rooftop. Open air. Staring at the sky. Holding hands. Last Mahal na Araw pa yata nung huli tayong nakapagbonding ng ganito toditz. Noh?


BHE: Oo nga yata. Sorry Bhe, lagi kasi akong busy eh. Kaya ngapinipilit ko na dito tumutuloy sa gabi para may time ako sayo.

AKO: Swet-swetan naman ang baby ko. Pakiss nga, tsup! Nga pala Bhe, lagi ka dito sa amin, d ba? Dumating na yung bill ng tubig at ilaw kanina. Mgashare ka ha, lagi ka dito eh. Hehehe. OOOppppssss....Joke lang.

BHE: Sige po. Yun lang pala. Nakakabigat ba ako Bhe kapag dito ako umuuwi?

AKO: Ngak! Bhe naman. Joke nga lang po. Sineryoso mo na naman ako. Parang hindi mo ako kilala. Naglalambing lang ako po. Kiss kita ulit, dalawa. Tsup! Tsup!

BHE: Ang sarap naman nun Bhe. Nga pala, natext ka ba ni MJ kanina? Kanina kasi tinext niya ako. Wala na daw sila ni Archie. Totoo ba yun?

(Si MJ at Archie ay mga PLU n friends namin na magsyota.)

AKO: Define "wala na" Bhe?

BHE: Wala na. As in break na. Naghiwalay na sila ng landas. Yun!

AKO: Huwat? Pareho na silang kumakanta ngayon ng "Separate Lives" ni Zsa Zsa Zaturnah?

BHE: Hehehe. Natawa ako dun ah. Opo Bhe. 'Di mo po ba alam Bhe?

AKO: Si Archie ang nagtext sa akin kaso hindi ko pinansin kasi parang nanggagago lang sila. Alam mo naman yung dalawang yun feeling Aston Kutcher at Joey de Leon, mahilig sa prank jokes.

BHE: Parang totoo Bhe eh. According to MJ, si Archie daw ang nakipabreak. Nakipagbreak over the fone.

AKO: Grabe naman si Archie. Bakit sa fone lang? Parang hindi naman yata maganda yun ah. Isip bata talaga yung lokong 'yun.

BHE: Take note Bhe, hindi basta fone lang, sa text lang! Tinext lang daw siya ni Archie na break na daw sila kasi hindi na daw siya masaya.

AKO: Ganun? Anong akala niya kay MJ, clown? Tagapagpasaya lang? Yoko ng ganun. Teka nga dapat pagsabihan natin yung dalawang yun Bhe. Baka pwede pa masave yung relationship nila.

BHE: Hayaan muna natin silang magisip isip Bhe. 'Huwag muna tayong umeksena. Kawawa naman sila. One year na din sila 'di ba? Wala na tayong kasabay magcecelebrate ng monthsaries at anniversaries Bhe.

AKO: Oo nga noh. Pano yun? Barkada natin sila pareho. Hindi pwedeng may kakampihan tayo sa kanilang dalawa. Pano kung magkakasama tayong lahat na FORMULA 17 (name ng tropahan namin), eh 'di magkakailangan yung dalawa?

BHE: Hindi ko po alam Bhe, bahala na po sila. Bhe, may itatanong ako sayo po, ok lang po ba?

AKO: Oo naman Bhe. Ikaw pa. Basta lagi mo tatandaan, KNOWLEDGE IS POWER!

BHE: Bhe naman eh, puro ka kalokohan. Seryoso po kaya ako.

AKO: MApipikon na naman asawa ko. Sige po Bhe ano po yung itatanong mo? Fireaway!

BHE: Gaano mo po ako kamahal Bhe?

AKO: Hmmmm..Depende Bhe, kapag MWF ay mahal na mahal kasi may pasalubong ka sa akin nun. Kapag TTh ay mahal lang kasi wala. Hehehe.

BHE: Ganun ba yun bhe? (hikbi-hikbi kunwari)

AKO: Of course not Bhe. Binibiro lang po kita. Mahal na mahal po kita. Alam mo ba kung kailan matatapos ang love ko sayo?

BHE: Sige nga Bhe, kailan?

AKO: Imagine-in mo ang dalawang seashores, isang malaki at isang maliit. Dalawang seashores na puro buhangin ang paligid. Tapos may isang kalapati na fly ng fly sa paligid at may mission sa buhay niya. Ang ilipat ang mga buhangin ng malaking seashore sa kabilang dalampasigan ng maliit na seashore. Pero kada lipad niya, isang butil lang ng buhangin ang pwede niya dalhin. Sa tingin mo Bhe, kailan matatapos yung kalapati sa mission niya?

BHE: Bhe naman, jinojoke mo naman ako. Pano matatapos yun eh isang butil lang ng buhangin ang pwede niya ilipad. Ang laki laki kaya ng dalampasigan. Imposibleng matapos siya Bhe.

AKO: Exactly, Bhebhe Ram! Nasagot mo na yung tanong mo. Imposibleng matapos ang love ko sayo. Ok?

BHE: Ang cute naman ng sagot mo Bhe? Pinagisipan mo yun talaga para sa akin?

AKO: Hindi Bhe, nabasa ko lang kanina sa internet, hehehe.

BHE: Bhe, talaga. Pakasal na tayo Bhe kasi.

AKO: Oo, Bhe. May nagkakasal daw sa mga katulad natin sa may SAGADA ah. Sa may Baguio daw.

BHE: Ewan ko po. Pero alam mo Bhe, hindi na natin need ng kasal na ganun. Kasi alam ko naman sa sarili ko na mahal kita po. At saka may tiwala ako sayo.

AKO: Dapat lang Bhe. dahil ikaw ang aking My One and Only.

BHE: Ilan ang gusto mong anak Bhe?

AKO: Huh? Pano tayo magkakaanak po?

BHE: Bahala na. Sagutin mo na lang mga tanong ko Bhe.

AKO: Gusto ko po ano, dalawa. Isang lalaki at saka isang babae. Gusto ko kamukha mo po para artistahin. Tapos ititrintas ko buhok nung lalaki. Hehehe. Joke ulit.

BHE: Kapag po nagkaanak tayo Bhe, palalakihin po natin sila ng maayos. Ok po?

AKO: Oo naman. Kung ikaw naman Bhe tatanungin, saan tayo titira?

BHE: Magwowork po muna tayo sa abroad Bhe, kahit saang bansa. basta po magkasama tayo. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko po kasi. Tapos kapag may ipon na tayo, uuwi tayo dito sa 'Pinas. Bibili tayo ng hauz dito sa Manila.

AKO: Bili din tayo Bhe ng hauz sa Baguio o kaya sa Tagaytay para may rest hauz tayo.

BHE: Yup. Gusto ko din Bhe ikaw pipili ng mga gamit natin. Mula sa floormat sa may pintuan hanggang sa kurtinang ilalagay natin sa may attiq. Wala kasi akong alam dun eh.

AKO: Ako din po Bhe eh. PAno yun? Bahala na. Kunin na lang nating designer si Pauleen. Madaming alam sa mga ganun-ganun yun.

BHE: Kaw po bahala. Sana Bhe wag tayo matulad kina MJ at Archie. Sana Bhe wag dadating araw na bibiglain mo ako. Magugulat na lang ako, iiwanan mo na pala ako.

AKO: Dehinz mangyayari yun Bhe. Cross my heart. Mamatay man yung tanim kong kalabasa sa farmville ko. Hinding hindi po kita iiwan. Promiseful.

BHE: Asus, sige nga, kiss mo nga ako ng tatlong beses Bhe.

AKO: Mwuah! Mwuah! Tsup! Tsup! Ay Bhe, sumobra ng isa.

BHE: Oo nga. Kaya may parusa ka sa akin. Dahil diyan. parurusahan kita.

Isa lang ang masasabi ko....
ANG SARAP-SARAP MAGPARUSA NI BHE!
Labels: , , , edit post
1 Response
  1. Myk2ts Says:

    suweet. nice post!


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!