ACEBOMB
PileGes sA fHaCe...
Nagkakape ako kaninang umaga sa terrace at overheard ng mga ears ko ang usapan nina Bhebhe Ram at Pauleen sa sala while watching t.v. (Maagang umalis si Samantha, magrerepack daw ng relief goods sa school.)


PAULENE: Oi Kuya Ram, may kasalanan aketch sa iyo at saka kay Kuya Ace. Sorry na po.
RAM: Ano yun? Mukhang seryoso ka ah.

PAULENE: Hindi ba sabi mo tutulungan mo ako makapasok sa work niyo? Kahit sales crew lang?

RAM: Yup. Tinawagan ko na din si Ms. Nickolai, yung nasa Human Resource Department para backup-an ka. Inexpect ka niya sa main office pala namin sa Makati last Friday ah. Sabi ko sa kanya pupunta yung friend ko sa kanya para magapply. teka, 'di ba sinabi ko sayo 'yun last week. Nagpunta ka ba nang Friday?

PAULEEN: Oo Kuya Ram, nagpunta ako kaso nakakahiya nung nagapply ako eh. Pwede ko na yatang isulat sa slumnote ko yun na most embarassing moment.

RAM: Nag-apply ka lang, most embarassing moment na? Bakit ano ba ang nangyari? Hindi pa nga pala ako tinatawagan ni Ms. Nickolai kung may bago silang hired na crew ah. Expected ko pa naman magkakawork ka na.

PAULEEN: Kasalanan ito ng guard niyo eh. Kasi ang gwapo gwapo niya. Tapos natarayan ko pa siya. Bilis tuloy ng karma, sinampal aketch agad ng karma chameleon.

RAM: Bakit? Ano bang nangyari talaga? Bakit mo tinarayan?

PAULEEN: Here's the true story Kuya Ram kong pogi. Kasi ganitey iyun. Friday morning ay isinuot ko yung pinakamaganda kong outfit pangapply. Long sleeve, necktie at saka nagblazer pa ako. Karespect respect ang drama ko Kuya. Pagarrived ko sa entrance ng building niyo, nakita ko si Poging guard. may katabing chipanggang guard din pero no way ko na pinansin yung katabi niya kasi for ur eyes only lang ako kay poging guard. Tapos hinarang niya ako. Super tanong siya ng "Saan po kayo, Sir?" Tapos yun...

RAM: Anong tapos yun? Ano pa nangyari?

PAULEEN: Sabi ko magaapply ako sa loob ng building niyo. At iniiexpect ako ng nasa HR. Akala
ko patutuluyin ako kaso dami tanong sa akin. Para aketch nasa husgado. Tinanong niya ulit ang beauty ko kung ano ang aaplyan ko. Eh umaambon ambon na kasi grand entrance na din yata si Bagyong Pepeng kaya lukot na ang mukha ko. Sabi ko sa kanya. "Hindi mo ba nakikita ang suot ko, I'm applying for a managerial position kaya papasukin mo na ako." Nakapormal na nga ako ng damit hindi pa nasisight. Hmmmpf! Nagtaray talaga ako kuya. Muntik pang lumampas ang kilay ko sa noo ko sa sobrang taas.

RAM: Hahaha. Hinayupak ka. Tapos?

PAULEEN: Tumawag siya sa phone sa reception. 48 years akong nagwait sa kanya. NAng bumalik, alam mo ba Kuya ang sabi sa face ko? Sabi ba naman, "Sorry sir, wala po kaming hiring para sa managerial position ngyon sabi ni Ms. Nickolai. Sales assistant daw po ang hiring lang kami ngayon." Napahiya talaga ako kuya. Ang yabang yabang ko kasi na mataas na position
ang aaplayan ko tapos hindi pala. Pero sa halip na tumuloy magapply at aminin kay manong guard na crew lang naman talaga ang aaplyan ko ay nagdissapear na lang ako. Hindi na lang ako tumuloy magapply. Nahiya na ako eh.

RAM: Maldita ka naman pala kasi eh. Impatient pa. Yaan mo tawagan ko si Ms. Nickolai, sabihin kong iupdate ako kung need na namin ng Sales Assistant, ok? 'Wag ka na mabadtrip. Ayos lang yun. Tutulungan ka pa din namin ni Kuya Ace mo.

PAULEEN: Salamat ng marami Kuya Ram. Hulog talaga kayo ng langit sa akin. El Shadai, El Shadai!

TV: ....sa ngyon po ay makikita natin ang mga Kapuso nating celebrities na nakikiisa po sa atin at handang tumulong sa mga ganitong panahon. Bukas po ang ating Kapuso hotline number 9827777 loc. 9901 to 9905 para sa mga taong gustong magmagandang loob. Sa mga oras po na ito ay umabot na sa 60 millions ang ating cash money donations at 150 millions ang ating PLEDGES.....

PAULEEN: Kawawa naman sila noh? Buti na lang hindi tayo feel ni Ondoy at Pepeng kaya hind siya nagvisit dito masyado. Kaso kawawa naman yung mga neighbor nating nasalanta. Kung mayaman lang ako magdodonate ako ng limpak na limpak na milyones para sa kanila.

RAM: Oo nga. Nakakatouched yung mga napapanood natin sa television. Tapos may dadating na naman daw na bagyo. Malakas din daw.

PAULEEN: Kuya Ram, bakit yung Kapuso Foundation eh ang daming naipong PLEDGES. 'Di ba sakit sa mukha yun?

RAM: (Nakakunot ang noo) Sakit sa mukha? Panong naging sakit sa mukha yun?

PAULEEN: 'Di ba yun ang tawag natin sa mga tutsang sa mukha. Yung mga pekas.

RAM: PILEGES naman yata sinasabi mo.

Natapon ang kape ko. Shungakerz talaga 'tong si Pauleen.

Labels: , , edit post
3 Responses
  1. Anonymous Says:

    hahahah panalo ang pledges at pileges part heheh
    nakakatuwa siguro sa bahay nyo.. LOL


  2. acebomb Says:

    sinabi mo pa.. si Pauleen kasi bumuka pa lang ang bibig, matatawa ka na. Kahit di pa magsalita. Kulit talaga.


  3. fiel-kun Says:

    haha mga komedyante lolz :D


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!