ACEBOMB
sCaNDaL sA LRT...



"Inuwi mo pa!
Eh anong oras..nong oras ka na makakapunta ng Quiapo!
Putangina niyo tatanga tanga kayong lahat!
Anong oras ka makakarating dito!
Pabubuhatin niyo pa ako sa divisoria?
Anong oras ka makakarating?!
Mga wala kayong utak!
Nasan yung..putangina dapat tumawag ka, tinext niyo ko!
Bobo niyo raming telepono!!!
Tatanga kayo!
Asan na yang sina Joyce?!
Di niya ako sinasagot!
Pabagal bagal ka pa bilisan mo magLRT ka!!
Bilisan mo!"

Ang laki naman ng galit nito sa Earth.Hahaha. Naloloka na yata itong babaeng 'to. At home na at home ang feeling niya, while riding LRT. Pano pa siguro kung nasa bahay lang siya. Araw araw sigurong parang may sumasabog na bomba sa kanila. Kung ganito ang nanay ko, nakow, ewan ko na lang, sarap siguro sampal-sampalin. Dapat sa kanya dinadala sa bundok para walang makarinig sa kanya kundi si BAROK at ang tribo ng Katuga. Dapat ginawa nung lalaking katabi niya ay itulak siya palabas ng LRT, bayani pa siya.

Joyce naman kasi eh. Sasagutin mo tawag ng nanay mo. 'Yan tuloy. Parang nakawala sa mental.
mY vErY owN... "DeAtH nOtE"!
Death Note Pictures, Images and Photos


Si Bhebhe Ram ko talaga. Masyadong thoughtful at sweetful. Hehehe. Alam kasi niya na masyado akong naaddict sa movie na "DEATH NOTE" this past days. Ito yung cartoon sa Japan na ginawang movies kung saan isang stupidents ang nagkaroon ng isang magic notebook. Originally, ang may ari ng notebook na ito ay isang shinigami monster from outside world. Nahulog niya ang kanyang very own notebook sa human world at dyaraaaannnn..napulot nga ng stupidents na yun. Hindi naman ito binawi ng monster at tinulungan pa niya ang stupidents na gamitin ito. Nga pala, ang power ng notebook ay kung sino man ang name na isusulat ng owner sa kahit saang page nito ay magkakaroon ng instant death or kung ano ang way of death na gusto ng owner. Eh itong si stupidents ay gustong ilagay sa kanyang dirty hands ang batas. Kaya lahat ng names ng mga masasamang tao na kilala niya at lahat ng criminals and suspects sa mga crimes ay isinulat niya sa kanyang magic notebook. At hayun nga, nadedo sila. Naalarm na ang mga to whom it may concern na tao especially ang police task force kasi nga sunod sunod na natsutsugi ang many many na tao. Kaya nagisip sila ng way kung paano nila mahuhuli ang mysterious killer na pumapatay sa mga criminals. Oo, nga naman kasi mabuti man ang hangarin mo kung mali naman ang paraan, pagpatay pa din ang tawag dun. Tapos yun na nga, the search for KIRA (mysterious killer) is on. Pinamunuan sila ni "L" isang mysterious at sikat na investigator. Dun nagsimula ang twists ng story. Ang galing galing ni "L". These are one of those types of movies (3 parts ang movie) na sobrang magiisip ka. Sobrang naging controversial din ang movies na 'to. Ah basta manood na lang kayo. Hehehe.

Tapos kagabi nagulat ako. May nakapatong na notebook ng "DEATH NOTE" sa itaas ng t.v. namin. Kamuntikan pa akong mapatili (ay sigaw pala) kasi nga baka kako may monster na nagbigay sa akin nun. Todo buklat ko agad ang notebook at kamatch na kamatch ng DNA nito ang notebook na ginamit sa movie. Tapos may bigla nagsalita sa likuran ko (kapag nahawakan mo kasi ang notebook ay bigla mo na din makikita ang monster na real owner)....
BHE: Nagustuhan mo po ba Bhe?
(si BheBhe Ram ko pala).....
AKO: Sayo ba galing 'to Bhe? Nagulat ako po. Akala ko nanuno na ako kasi parang totoong death note 'to
BHE: Opo. 'Di po ba gustong gusto mo po magkaroon niyan Bhe? Dumaan ako sa Comic Alley kanina. Ibinili po kita niyan. Ang dami ngang items dun 'bout sa death note. Yan na lang munaang binili ko. Next time na ang iba. At saka totoong death note naman yan ah, walang nga lang powers.
Like it?
AKO: (mangiyak-ngiyak) GUstong gusto ko po Bhe. Gustong gusto. Thanks po Bhe. Ilove u so much po.
BHE: I love u so much din po Bhebhe Ace ko. (sabay yakapan and kiss.)

Slurp! Slurp! Slurp! Hahahaha!

Buti na lang bumili sina Samantha at Pauleen ng ampalaya sa labas, igigisa daw nila, hehehe.

Hhhhhhhhhmmmmmmmmm... Kanino kayang pangalan ang una kong isusulat sa aking bagong bagong Death NOtebook? Si Jacque Bermejo kaya? Yung teacher ko sa Trigonometry nung college? Pwede din yung landlady naming ma-late ka lang ng ilang seconds sa pagbabayad ng house rent ay nagpapadala na ng kanyang kinatawan para maningil. Aha, si Pauleen na lang!

'Di na lang. Itatago ko na lng tong death notebook ko. Pang collector's item din 'to.
jAcQuE BeRmeJO..dA wHO???




Kalorkey naman tong si Aling Jacque Bermejo. Instant celebrity tuloy ang lukaret. Siguro kung nakamamatay lang ang hate mails, matagal na sigurong nagkikisay ang bruhang 'to. Sa mga hindi po nakakakilala kay Jacque Bermejo, Search niyo lang po sa yahoo o google ang name niya at nakow, tatambad sa inyong harapan ang sangkatutak na himutok at sama ng loob na hindi niyo pa nakikita sa entire buhay niyo. Hehehe. Mala- Jacque Bermejo vs. People of the Philippines na yata ang situation niya. Tapos papalusot pa ang loka.

Pero hindi ko na siya lalaitin at aalipustahin dito sa blog ko kasi kawawa naman ang lola mo. Ang dami dami na yata ang gustong pumatay sa kanya dito sa ating mother country. Pero magiiwan ako ng isang text message para kay Aling Jacque Bermejo....

"Yup, buti na lang ur der in dubai, coz m sure, so many back hir ang hahunting at tsutsugi sayo.."

MESSAGE SENT!

Hmmmmmpf!
oFfHiCiyahaL tHemE-pLAtE...

This is it!
Sa wakas.

Pagkatapos ng sangkatutak na researches, sangkaterbang mouse clicks at sangdamakmak na edting ng HTMLs, heto na talaga. Ito na ang official blog template ni ACE. Bwahaha. Binalak ko na naman kasing ichange-outfit tong blog theme ko.

Ang hirap mamili ng theme, lekat. Gusto ko na nga lang sanang background ay pink kaso dyahe. Dehins bagay sa akin. Girl na girl. Mawawala ang pagkamaangas ko.

Yoko naman ng blue kahit favorite color ko yun. Kasi sinawaan na yata ako. Nang tinanong ko si Pauleen ko ano ang magandang kulay sa website, malay daw niya. Wala daw siyang idea. Ano daw ba ang website. Shungakerz talaga. Hehehe. pero maganda daw ang purple kasi yun ang kulay ng kyutiks niya sa kamay. Ipinarada pa ang malalantik na daliri sa sala. Yaikz! Yoko nga ng purple. Kaya ang kinonsider ko para magkapagdecide na ako kung ano kulay ng template ko ay ang...kulay ng short ko sa profile picture ko, hehehe. Kaya dyandyararaaaannn...kulay red. Astig na, maangas pa.

Sabagay, favorite ko din naman si Red One ng Bioman. Si Red Lion One ng biokids. At saka si The Flash na ang talent lang yata ay tumakbo ng very fastful kaya sa sobrang bilis ay nangupas na ang costume kaya mas matingkad na ang pagkapula ng red-custome ni Daredevil (aba, laba sa tide!)

Kung ano-ano na lang din ang inilagay ko sa left and right sidebars. Pero dehins pa din ako satisfied. Feeling ko walang kaglamour-glamour ang blogsite ko. Tse! Idadaan ko na lang sa laman. Teka, wala din pala kwenta mga posts ko. Hmmmpf!

Next time ko na lang dagdagan ang designs. Sa ngyon, rest in peace muna ako.

Ngork! Ngork! Ngork!
aNg iNsoMniA at anG ePiTomE
Letseng insomnia to, inaatake na naman ako. Magtu-2 am na ng umaga (am na umaga pa) ay dilat na dilat pa din ang mga mata ko. Nakadalawang posts na ako sa blog na to-its kani-kanina ay dehins pa din ako dalawin ng antok. Bakit pa kasi hindi pa ako sumama sa tropa kong si MJ sa bathhouse kanina nung nagaaya eh hindi naman na baha sa labas (kadadaan lang ni bagyong Ondoy). Oo nga pala, hindi na nga pala ako pwede pumunta sa ganung lugar kasi happily married na ako kay Bhe. Hehehe. Kahit madami akong alam na bathhouse, feeling ko graduate na ako sa pagpunta sa mga ganun. Maaga ako nagsawa kasi, kahit na takaw tukso dun. Sariwa pa sa aking isipan (8 gig ang memory capacity ko, hmmmpf!) nung first time ko mapunta sa ganung place. Kulit kasi ng friendship kong si Kevin.


January 5, 2005

KEVIN: Musta ang paglilipat mo nang mga things mo?

ACE : Ok lang. Medyo pagod. Hirap pa lang maglayas.

KEVIN: Ewan ko ba naman sayo. Konting tampuhan niyo ng ate mo, alsa- balutan ka kaagad. (Nandito pa at kasama ko sa haus older sis ko that time).

ACE : Wag mo na nga po ako sermunan. Nagiisa na nga lang ako d2 eh.

KEVIN: Hmmmm...ok.Magbihis ka bilis. May pupuntahan tayo.

ACE : Oh, saan mo na naman ako dadalhin? May nadiscover k na naman?

KEVIN: Hehehe...Oo. Dadalhin kita sa langit this time. Sige na bilisan mo na.

ACE : Saan ba tyo pupunta?

KEVIN: Sa Malate.

ACE : Loko-loko ka din noh? Taga Malate kaya ako. Dito lang pala, bakit pa ako magbibihis.

KEVIN: Ah basta. Kita tayo sa Mcdo Quirino after 30 minutes. 'Wag ka na maligo. Doon na tayo maliligo. Magdala ka ng I.D. ok? Wag mo kakalimutan.

ACE : Huh? Huy saan ba tayo pupunta talaga?

KEVIN: Punta k na sa Mcdo, bye.

Almost 5 years na pala ang nag flyby since una kong napuntahan ang place na yun. Kevin just told me to follow, wala nang tanong-tanong. Sinundo niya ako sa pansamantala kong apartment dati at nilakad namin hanggang sa kanto ng Remedios at Leon Guinto. Pumasok siya sa isang maliit na pinto . I'm not sure if I'm going to follow, 'coz i dont know what's inside that place. Nakatayo lang ako sa labas, staring at the signage located above the entrance. It's like a big letter "e", like the logo of "internet explorer". Tapos bigla akong tinawag ni Kevin.

"Mga tol, si ARIES. Tropa ko. Papamember siya." I thought I heard Kevin wrong. He's talking to the staffs at the counter, introducing me to them. "Bakit hindi Ace ang ginamit mong pagpapakilala sa akin?", I asked him. "Ok lng yan, kasi dapat dito, may nick ka. Alam mo na." sagot niya. Hindi na lang ako nagsalita.Alfie (staff) gave me 2 keys. I dont know kung para saan yon basta tinanggap ko na lang. Mukhang kabisado naman ni Kevin ang place kaya sumunod na lang ako sa kanya.



"Nasaan pala tayo ngyon?"

"Ah sori, ito nga pala ang "EPITOME". Isang itong bathhouse. Dito sa taas ang showroom. Mamaya may show. Magugulat ka. Siguro first time mo." said Kevin, grinning. "Sa baba tayo. Bihis muna."

"Anong show?"


Ngumiti lang siya.

Nagpunta kami sa locker room.. Yung isang staff dun ay binigyan ako ng pair ng slippers at saka towel.

"Ano ang gagawin ko dito?" I asked Kevin. "Yan ang isusuot mo sa baba. Tsinelas at towel lang. Bawal ang nakadamit sa baba." sabi niya, habang nagtatanggal ng damit at inilalagay sa locker. Ginawa ko na lang din ang ginawa niya.

We entered in one door. That door is leading in a stair going down. Pero bago ka makababa ay may madadaanan munang isang maliit na room na curtain lng ang ang tabing. Madilim sa loob. The only light visible is the flashing light coming from the inside.

"Sumilip ka sa loob." Kevin told me.

There's a television in the middle of the room showing a triple X movie.

We went downstairs. All people were only wearing a towel. Ang lalagkit tumingin. Kevin knows some and introduce me to them.

"Ang bata niyang kasama mo ah at panalo ang katawan. Mahusay ka talagang pumili Kevin." one of them said.

Nangiti lang ako. After that, tumambay kami ni Kevin sa winebar. I met Jepoy there. He's one of the staffs. Mabait at makulit na tao. After 2 bottles of red horse, Kevin said it is time to go upstairs. Magstart na daw ang show.
..........

I'm in the middle of a cheering crowd, looking at this very goodlooking guy. He's face is very angelic, seems innocent. He's age is around 23. Moreno, sexy, long torso, too good to be true. I want to approach him. I want to talk to him and tell him how much I like him. But the problem is....

....the problem is, HE IS IN THE STAGE, SURROUNDED BY FIVE OTHER MEN, DOING THE "SHOW", NAKED.
..........

After the "show", we go back downstairs. A guy approached Kevin. I told him that if he likes the guy, he can go with him and I will explore the place alone. Gusto ko kasing hanapin yung "showboy". But I didn't find him. A guy or two tried to approach me. That's my first time there and I'm afraid na baka kung ano ang mangyari sa akin sa place. Tumambay na lang ako sa loob ng Steam Bath. The heat is so relaxing. I closed my eyes. I almost fell asleep. Madilim sa loob at ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang ilaw sa labas na tumatagos sa pinto. I saw two silhouettes doing hmmmm..."something", Nashocked ako kasi hindi ko alam n pwede palang mangyari ang ganun sa ganung lugar. I decided to go outside and take a tour. I found little cubicles outside the Steam Bath. I checked it. Some of it are locked. Two guys approached me.



"Tol, gusto mo magjoin sa amin?" one of them asked.



I want to ask what they are going to do, but I simply said, "I can't pare. Hinihintay ko yung kasama ko."

I saw them entered in the cubicle nearest to me. There's a window beside that cubicle. The devil of me thought of something green. Inakyat ko yung window at sumilip ako sa cubicle. Nakita ko sila.They are doing "something", both naked.



I went to the winebar and ordered another bottle of beer.


"May kasama ka tol?" a 5'8" tall guy asked. Siyempre, mabenta ako. Hahaha.



"Yup, kaso nawawala." sagot ko.



"Parang ngyon lang kita nakita dito."



"First time ko kasi dito tol. Isinama lang ako nung friend ko."



"Ah, gusto mo igala kita?"



"Sure." I go with him. Si Jepoy ngingiti ngiti lang sa loob ng winebar. Parang inaasar ako.

We explored the place. I wonder if neighbors around knows that such place exist in their vicinity.


"Tol, gusto mo pumasok tayo sa cubicle?" he asked once again.

I looked at him. Mukha namang Okey siya kaya.... I said..... "YES".

End of Story na. Censored na yung part na 'to. Hahaha.


...................................


There's a certain point of my life that EPITOME has become the realm of my bliss (huwaw!). Memorable kasi sa akin yung place. Doon ko nameet yung past love kog si ano. I found out kinabukasan na yung mga staffs pala na nagwowork dun ay kapitbahay ko sa bago kong apartment. Paggising ko ay bumili ako sa tindahan. Nakatambay sila dun. Nakilala ako ni Jepoy. Buti na lang at hindi sila mga tsismoso kasi baka second day ko pa lang sa teritoryo nila ay makalat na ano ako. Naging tropa ko naman sila.

Namimiss ko na pala yung place na yun. Walking distance lang yun dito sa amin. Isang tumblingan ko lang at nandun na ako. Tumakas kaya ako kay BheBhe Ram minsan. Hmmmmm...joke lang. Hehehe. Faithful ako.

Hay naku. Time to sleep na talaga. Dumalaw man o hindi si antok, mahihiga na talaga ako. ZZZZZzzzzzzz.
mAiBa nAmaN, HehEhE!


Just finish reading the DA VINCI CODE when I saw this conversation in the internet, thought it is worth reading. Oo nga naman.








INTERESTING CONVERSATION

An Atheist Professor of Philosophy speaks to his Class on the Problem Science has with GOD, the ALMIGHTY. He asks one of his New Christian Students to stand and . . .

Professor : You are a Christian, aren't you, son ?
Student : Yes, sir.
Professor : So you Believe in GOD ?
Student : Absolutely, sir.
Professor : Is GOD Good ?
Student : Sure.
Professor : Is GOD ALL - POWERFUL ?
Student : Yes.
Professor : My Brother died of Cancer even though he Prayed to GOD to Heal him. Most of us would attempt to help others who are ill. But GOD didn't. How is this GOD good then? Hmm?

( Student is silent )

Professor : You can't answer, can you ? Let's start again, Young Fella. Is GOD Good?
Student : Yes.
Professor : Is Satan good ?
Student : No.
Professor : Where does Satan come from ?
Student : From . . . GOD . . .
Professor : That's right. Tell me son, is there evil in this World?
Student : Yes..
Professor : Evil is everywhere, isn't it ? And GOD did make everything. Correct?
Student : Yes.
Professor : So who created evil ?

(Student does not answer)

Professor : Is there Sickness? Immorality? Hatred? Ugliness? All these terrible things exist in the World, don'tthey?

Student : Yes, sir.
Professor : So, who Created them ?

( Student has no answer )

Professor : Science says you have 5 Senses you use to Identify andObserve the World around you. Tell me, son . . . Have you ever Seen GOD?
Student : No, sir.
Professor : Tell us if you have ever Heard your GOD?
Student : No , sir.
Professor : Have you ever Felt your GOD, Tasted your GOD, Smelt yourGOD? Have you ever had any Sensory Perception of GOD forthat matter?
Student : No, sir. I'm afraid I haven't.
Professor : Yet you still Believe in HIM?
Student : Yes.
Professor : According to Empirical, Testable, Demonstrable Protocol,Science says your GOD doesn't exist. What do you say to that, son?
Student : Nothing. I only have my Faith.
Professor : Yes, Faith. And that is the Problem Science has.

Student : Professor, is there such a thing as Heat?
Professor : Yes.
Student : And is there such a thing as Cold?
Professor : Yes.
Student : No sir.. There isn't.

( The Lecture Theatre becomes very quiet with this turn of events )

Student : Sir, you can have Lots of Heat, even More Heat, Superheat,Mega Heat, White Heat, a Little Heat or No Heat. But we don't have anything called Cold. We can hit 458 Degrees below Zero which is No Heat,but we can't go any further after that. There is no such thing as Cold. Cold is only a Word we use to describe the Absence ofHeat. We cannot Measure Cold. Heat is Energy. Cold is Not the Opposite of Heat, sir, just theAbsence of it.( There is Pin - Drop Silence in the Lecture Theatre )

Student : What about Darkness,Professor? Is there such a thing asDarkness?
Professor : Yes. What is Night if there isn't Darkness?
Student : You're wrong again, sir. Darkness is the Absence of Something...You can have Low Light, Normal Light, Bright Light,Flashing Light . . . But if you have No Light constantly, you have nothingand its called Darkness, isn't it? In reality, Darkness isn't. If it is, were you would be able to make DarknessDarker, wouldn't you?
Professor : So what is the point you are making, Young Man ?
Student : Sir, my point is your Philosophical Premise is flawed.
Professor : Flawed ? Can you explain how?
Student : Sir, you are working on the Premise of Duality. You argue there is Life and then there is Death, aGood GOD and a Bad GOD. You are viewing the Concept of GOD as somethingfinite, something we can measure. Sir, Science can't even explain a Thought. It uses Electricity and Magnetism, but has neverseen, much less fully understood either one. To view Death as the Opposite of Life is to beignorant of the fact that Death cannot exist as a Substantive Thing.. Death is Not the Opposite of Life: just the Absenceof it. Now tell me, Professor, do you teach your Studentsthat they evolved from a Monkey?

Professor : If you are referring to the Natural Evolutionary Process,yes, of course, I do. Student : Have you ever observed Evolution with your own eyes, sir?

( The Professor shakes his head with a Smile, beginning to realize wherethe Argument is going )

Student : Since no one has ever observed the Process of Evolution atwork and Cannot even prove that this Process is an On - GoingEndeavor, Are you not teaching your Opinion, sir? Are you not a Scientist but a Preacher?( The Class is in Uproar )

Student : Is there anyone in the Class who has ever seen theProfessor's Brain? ( The Class breaks out into Laughter )
Student : Is there anyone here who has ever heard the Professor'sBrain, Felt it, touched or Smelt it? . . .No one appears to have done so. So, according to the Established Rules of Empirical,Stable, Demonstrable Protocol, Science says that You have No Brain, sir. With all due respect, sir, how do we then Trust yourLectures, sir?

(The Room is Silent. The Professor stares at the Student, his faceunfathomable)

Professor : I guess you'll have to take them on Faith, son.
Student : That is it sir . . . The Link between Man & GOD is FAITH. That is all that Keeps Things Moving & Alive.
mOmmY DioNiSia...




Maniwala ka man o hindi...
Natikman ang tamis at pait ng pagibig. Sa edad na...
KATURSI.


Inosente at bata pa si Nene...
may "Magnolia Melk" pa sa labi.

Team Paquiao tayo.


Kaon na ta!


Ang kulit ng pic na 'to. Nakita ko ng alas ocho at hanggang alas diyes ay tawa pa din ako ng tawa. Sorry po mababaw lang ang kaligayahan ni Ace. Share ko lang sa lahat. Ang bad ko, pati si Mommy Dionisiang nananahimik ay pinagtatawanan ko. Peace!
OnDoy-icious...
Grabe to da max si bagyong Ondoy. Mas malakas pa sa hangin ko ang lakas. Dehins tuloy ako makalabas ng bahay. Buti na lang at Sabado dumaan at walang pasok. Kung hindi ay nag-ala little mermaid na siguro ako sa baha na may dead na daga (yaikz!).
Si Bhe nagrereklamo. Kasi sa SM siya nagwowork. Pinasok daw ang loob ng mall at para daw waterfalls yung hagdan papunta sa lower ground floor. Then sa labas daw ng mall ay hanggang dibdib ni Gina Pareno ang tubig. At siyempre nanamantala daw ang mga diyaskeng pedicab at tricycle driver. Nakijoin force din ang mga kalesa kutsero. Akalain mo, nang nagtry daw siyang sumakay sa mighty pedicab ay gusto daw maningil ng driver ng 130 isang passenger. Pero kung sa tuktok ka ng kawawang pedicab ay 100 lang (may discount nga pero basa ka naman). Dehins daw niya kinagat. Sa tricyle naman ay 200 ang bayad at 150 sa labas. Ang kalesa, 300 daw ang fare. Aba, ayos ah. Hehehe. Sana matapilok mga kabayo ng mapagsamantalang citizen na yan. Period. Ang ending tuloy ni Bhebhe Ram ko ay nagAlay-lakad papunta sa Central Terminal station. Keep swimming, keep swimming (ala Dowry ng finding Nemo) lang daw ang inoorasyon niya while walking. Hayun at nakauwi din siya sa amin, mas malapit kasi ang haus namin kesa sa hauz nila from work. Hassle kung sa kanila pa siya uuwi.

Ang sarap kumain at matulog while umuulan. Nagluto si Pauleen ng congee na may sahog na
chicken. Kaso dehins perfect kasi lumulutang ang sahog sa dami ng sabaw. Pero okey na din kasi masarap humigop ng hot soup. Nagrereklamo pa ang loka ng sinabi kong hindi masarap kasi obra maestra daw niya yun. Haaaay. Buti na lang at nag 100 percent na yung dinodownload kong Drag Me to Hell sa bittorent kaya watch mode kaming apat (AKO, si Ram, si Samantha at Pauleen). Akala mo DOLBY DIGITAL ang buong sala. OA lang si Pauleen sumigaw na yumayakap pa kay Ram. Ang sarap talaga pagkukutusan sa ulo ng mga taksil. Hmmmmmpf.

Pagsikat ng Haring araw this morning (malamang!), nag-aya si Bhe
na bumili daw kami ng pandesal sa nearest bakery. Dahil tomgutz na din ako, lumabas kami. Nashock ako sa labas. Totoo nga pala ang sinasabi sa news. Wag na daw lalabas ng hauz kasi its so floodfull. Hehehe. Mapilit si Bhe kaya hayun, kulang na lang ay magsyncronized swimming kami sa baha. Pagdating sa bakery ay maluha luha ang mokong. Pano ba naman wala na mabiling kahit ano. End of the world na yata. Nagpanic buying kasi mga tao.

Pinagtiyagaan na lang naming ubusin ang tirang lugaw ni Pauleen.











Labels: 0 comments | edit post
AcEBomB...in the making


Ako si ACE. Isang normal na tao. Walang powers. Walang exceptional talent. Walang mahiwagang bato. Pangkaraniwan lang ba. Yun ang akala ko. Hmmmmpff.

I was born and raised in a small town sa Nueva Ecija. Yup. Probinsiyano ako. Hehehe. Pero dati yun. Nagevolved na ako. Ang
erpat ko, magsasaka lang (magsasaka po!), pero electrician din kapag hindi pa taniman at anihan ng palay kaya mahilig magbutingting ng television at radio. Ermat ko naman, plain housewife lang. Lakwatsera daw kasi siya nung college. Kaya undergrad siya ng course niyang ano, I forgot. Favorite motto nila ay "Try and try until you succeed!" Pano ba naman hindi talaga sila tumitigil hangga't hindi nakakajockpot ng junior. Eldest namin ay girl. Pero hindi sila naggive up. Girl ulit ang sumunod. Then pray na si mother kay Sta. Clara then dyaraaaannn...ako na nga. Nakalalaki daw sila sa wakas. Yun ang akala nila noon at siy
a pa ding akala nila hanggang ngyon. Nawili yata sila kaya nag-anak pa. Pero nagdeaf deafan na yata an
g patron saint ng mga baby kaya dehins na sila pinakinggan. Girl na ulit ang sumunod sa akin. Last na lang sabi nil kayat gumawa pa ulit ng isa. Pero deadma na talaga si Sta. Clarang pinong-pino. Binigyan ulit sila ng girl. All in all, lima kaming lahat na magkakapatid. Apat na girls at ang unico hijo, AKO! Tapos nasa gitna pa. Haaaaay. Say ng erpat ko, lahat ng
gamit niya sa pageelectrician, sa akin daw niya ibibigay pagdating ng right time. Siyempre tango lang ako. Goodboy ako eh.
Dahil sa kami lang ng erpat ko ang lalaki sa family tree, natural na kami ang gumagawa ng mga gawaing panglalaki like magbakod, magpako, and everything. Carry ko naman kasi akala ko straight ako nun. Hahaha. Hanggang sa one time, pinatungan ako ni father ng kanyang espada sa magkabilang balikat at binasbasan na ako lang daw ang maaaring magpadami ng aming s
urname na mala-Kastila na minana pa niya sa aming mga ninuno. Nang mga time na yun, narealized
ko na ang heavy heavy sa balikat ng misyon ko. Haaaay. Bahala na. Kasi ba naman napapansin ko na nun na parang may iba sa akin. Puro lalaki naman ang mga kalaro ko. Puro panlalaki naman ang mga games namin. Madalas nga ako ang bida sa aming magkakalaro. Pero parang may mali talaga sa akin. Minsan sinisisi ko mga peyrents ko. Kasi puro girls ang mga kapatid ko. Baka kaya ako "naliko" ay dahil sa kanila. Feeling ko may contribution din lola ko sa pagkakaganito ko eh kasi inispoiled niya ako. Kahit yata manyeka ang hingin ko nun, ibibigay niya.Naconfirmed ko talaga na iba talaga ako sa normal na batang lalaki pagdating ko ng grade 6. Nagkacrush ako kay Mandy
Boy, yung classmate namin. Minsan nabadtrip yun sa akin kasi tinitingnan ko daw siya. Sinapak ako kasi ang sama ko daw tumingin. Siyempre lumaban ako at ako ang winner. Astig na ako nun pa. Naguidance pa kami nun. Asked ako ng councellor kung bakit ko daw kasi siya tinitingnan. Sabi ko, hindi siya nag tinitingnan ko kundi si Apple (isa pa naming classmate na girl na pretty) na nasa likod ni Mandy Boy. Hindi niya alam, may pagtingin ako sa kanya kaya ko siya tinitingnan. Dehins ko naman pwede sabihin yun kay teacher at baka maheadline pa ako. Lusot na ako after that at nawala na ang pagkacrush ko kay Mandy after one week. Since then, nalito na ako. I've told myself, hindi pwedeng ganito at kailanga
ng labanan ko. Crying lady pa nga ako nun. Hehehe.
Sinubukan ko lahat para mawala ang abnormalities ko. Pinangarap ko pa ngang magpari na lang. Pero dahil kiddie kiddie pa ako, nagsakristan na lang ako. Pero hindi d
in natuloy kasi nagbackout ako nang susukatan na ako ng abitong pangsakristan. Nakit
a ko kasi yung isang sakristan, si James, ang gwapo. Baka sa halip na mabago ako ay lumala pa. second year high school ako nun.

Nagkaroon ako ng tatlong unsucessful relationships in three different girls sa buong high school life ko. At isang kiss sa guy. YUng bestfriend kong si Mark. Ewan ko ba dun. Tinopak lang yata. O lasing lang kaya nagala-prince charming at hinalikan sa lips si sleeping beauty (see ang daga ng buhay ko post).

Dito na ako nagcollege sa Maynila. Para umiwas sa ermat kong tanong ng tanong kung na
saan daw ba si Joanne, yung ex-girlfriend kong botong boto siya. Nagstart na din akong maggym. Habang nadedevelop ang sexy body ko ay nadedevelop din ang eyes ko sa katitingin sa mga gymmates ko. Malala na nga yata ako. Wala na talaga akong magagawa. At tuluyan ko lang na naaccept na ganito ako nang may makita akong dalawang guy na magkaholding hands sa may Roxas Boulevard. Alam ko bading ako. Nasasabi ko sa sarili ko na bading ako. Pero n
agiinit ang dugo at tenga ako kapag ibang tao ang tumatawag sa akin ng bading.
Machong macho kaya ako. Hehehe. I can't imagine myself din na magcross dress. Kahit ang mga friends kong bading ay hindi alam na kaisa nila ako.

Hanggang sa matuto akong magchat. Sikat na sikat dati ang mga user rooms na Lalaki sa Piling ng Lalaki, Hot male Jackoolan, Cute Men's Locker Room, etc. etc. etc. Dun ko nakilala ang karamihan sa mga friendships ko ngayon. Nagtayo pa nga ako ng sarili kong clan dati na exclusive para sa mga astigin na katulad ko. Ang SEMIMARIS CONCILI.
Latin words for half-male council (right pic, semimaris concili enblem and motto). Nagtagal ang council for 3 years. Dami namin magagandang samahan. Kaso binuwag ko na din kasi nagkaroon ng mga members na effeminate. NUmber one rule pa naman yun. Maliwanag na nakasaad sa black book namin. Hindi ko kasi namonitor masyado ang group kasi stupidents pa ako nun. Nagkaroon na din ako ng bfs. I'm searching kasi for my missing rib. Hehehe. Siguro bata pa ako nun kaya hindi rin nagtatagal. Madali kasi akong magsawa.

Ngayon, tanggap ko na kung ano ako. Pero astig pa din ako. Saka maangas. Walang may alam na ganito ako kundi mga PLM (people like me) na mga tropapipz ko lang. Hanggang ngyon, umaasa pa din ang family ko na ako ang magdadala ng apelyido ng pamilya . Pwede ko namang gawin yun, yun nga lang, ang daming complications. Bahala na si Batman. May lover pala ako ngayon, si RAM. more than 2 years na kaming nagmamahalan (nakz!) Kung papano at saan kami nagkakilala, next time ko na ikukwento kasi 1 am na. Ciao.

Labels: 0 comments | edit post
gAMOt..gAMoT...
Nababadtrip ako.
Bakit ganito nararamdaman ko.
Bakit feeling ko....
Bading ako.
Bwahahaha!

Sana ganun lang kadali yun. Paggising ko sa umaga, bading ako. Mararamdaman ko na lang na gusto k
o maghead ban. Maliligo ako tapos maghahanap ako ng bath robe at yung towel ay ipapaikot ko sa ulo ko na akala ko long hair ako. Bigla na lang din na naramdaman ko ng attracted ako sa Mheen kasi pati si Igan ng Unang Hirit ay nagka-appeal sa akin. Ang sarap sana ng feeling na ganito kaso gusto ko maging normal kaya magiging malungkot ako. Kaya ang gagawin ko ay pupunta ako sa nearest Mercury Drug. Itatanong ko dun kung ano ang gamot para mawala ang pagkabading. Yung gamot na mabibili over the counter kasi nakakahiya kung magpapacheck-up pa sa doctor. Tapos magsasuggest naman yung tindera. Then tatanungin ka.

Ilang milligrams po, Sir?
Generic po ba o branded?
Ilang capsules po?

Siyempre branded na ang bibilhin ko at saka yung may pinakamataas na dosage para effective agad. Dadamihan ko na din ang bili kasi baka umulit ulit ang pagkabading kom at least may reserba pa ako, mahirap na. Dali-dali ko itong iinumin at mararamdaman ko agad ang epekto. Unti unti, babae na ang gusto ko kasi bigla ako nagkacrush sa babaeng katabi ko sa jeep na nagpaabot ng bayad sa akin ng bayad niya. Nang madaan ako sa 7/11 ay nakita ko yung magazine stand nila. Si Ehra Madrigal ang cover sa FHM kaya mabilis pa sa alas kwatrong binili ko. Hindi ko na napansin na nakapose pala si Aljur Abrenica sa Cosmopolitan kahit magkatabi lang yung dalawa magazine. At saka cured na cured na talaga ako kasi nagjakol ako na si Marian ang pinagpapantasyahan at hindi si Victor Aliwalas. Hahaha.

Napakasimple hindi ba. Sana ganun kadali ang lahat. Parang sakit lang na naku-cure ng science at medicine ang pagkabading. Pero hindi eh. Hindi ito nagawan ni Einstein ng formula. Wala rin potion si Merlin para dito. Carry kaya ito ng powers ni Santino? Saan kaya makakakita ng ganitong gamot? Yung gamot na sa isang iglap ay mawawala na ang pagkabading ng isang tao. Sa Mars kaya? Sa planet of the Apes? O baka naman sa Neverland? Try ko kaya sa Lihim na hardin ni Mary? Haaaayyyy. Sana meron nito. At kung meron man,sana kasama sa listahan ng "Cheap Medicine Act" para mura.

Kaso wala. Wala talaga. Buraot tuloy ako.
Labels: 0 comments | edit post
nApiKoN Si rAM...


"....All praise to you- our college true
whose praise in our hearts will burn
may your red and white
Give us strength and might....oooohhhhh"
AKO: Ano ba ang ginagawa mo diyan at nangingisay ngisay pa mata mo diyan? Nasa labas pa lang kami dinig na namin ang alulong mo.
SAMANTHA: Grabe ka naman Kuya. Hindi alulong ang tawag dun, kundi "musika". Isang makabag-damdaming musika. At saka hindi niyo ba naapreciate ang golden voice ko? Sa ating magkakapatid ako lang ang biniyayaan nito. Laban ka? Hello Kuya Ram. (Take Note: Hindi alam ni Samantha na magjowa kami ni Ram)
RAM: Hello Samantha. Oo nga naman Ace. Ang ganda ng boses ng li'l sis mo. Bakit ikaw hindi yata pinalad makakuha ng genes na ganun.

AKO: Magsama kayong dalawa (asar!). Nasaan si Pauline?

SAMANTHA: Nandun sa kusina. Nagpapakadalubhasa sa paghuhugas ng plato. HUwag na kayo kokontra ha. Kakanta na ulit ako.

RAM: Ano ba yang kinakanta mo Sam? parang hindi ko yata alam yan.

SAMANTHA: Yung prof kasi namin sa Filipino eh, pinamememorize sa amin ang school hym namin. Isapuso at isabuhay daw. Palibhasa kasi damatans na. Walang magawa sa buhay. Kaya kami ang pinagtitripan. Kakanta daw kami sa front ng whole class isa-isa. Buti nga napigilan namin ng isasuggest pa niyang magkimona kami.

AKO: Sige nga padinig nga niyang ipinagmamalaki niyong hym.


"...for the sake of man
we've use all we've learned
For Emilio Aguinaldo, our alma mater so fair....oooohhh"

AKO: Ang jologs naman ng university hym niyo. Parang Bahay Kubo lang.

RAM: Napakaloko mo. Maganda naman ah. At saka wala naman sa hym yan. Nasa sarili niya ang success ng isang estudyante.

SAMANTHA: Oo nga naman kuya. Buti pa si Kuya Ram. Hmmmmmpf.

AKO: Ah basta. Panget pa din. Kaw tsong? Saint Louie University ka 'di ba? Padinig nga kami ng hym niyo? Hindi mo memorize noh?

RAM: Excuse me. Huwarang estudyante yata ako nung college. At saka hindi ko pwedeng hindi kabisado yun kasi member ako ng choir.

AKO: Asus. Paliwanag ka pa. Sige nga padinig kami.

"...Let's all sing a song
Gay and cheerful,
Bursting forth from our young
And joyous hearts...."

AKO: Tama na. Tama na. Hahaha. Ang papanget naman ng mga hym niyo. Parang pang banda ng musiko. PArang pang-patay.

RAM: Grabe ka naman makapanglait. Kayo ba? Ano ba ang hym niyo? (napikon yata!)

AKO: MAganda ang hym namin. Saka ang school ko, kasama sa UAAP. Kayo hindi.

SAMANTHA: KAsali nga kayo sa UAAP. LAgi naman kayong talo. Sa isang season yata isa lang ang panalo niyo. Bwahahaha.

AKO: KAHit na. Basta nasa UAAP. Ibig sabihin, SIKAT!

PAULINE: HEp, Hep, Hep! Parang like ko ang topic niyo ditey ah, kantahan. Wish niyo ako naman ang kumanta? Kaso hindi ako nakafinish ng college eh, kaya wala akong alam na hym.

RAM: Sige nga PAuline. Ikaw na lang ang kumanta para mawala ang lakas ng hangin dito. (napikon nga yata talaga!)

PAULINE: Sureness Kuya Ram. Kaso isa lang ang alam kong hym. YUng themesong namin ng bestfriend ko sa bayang sinilangan ko. May sayaw pa nga yun eh. Teka pupwesto lang ako.

"...sa kapangyarihan ng araw...
Taglay ay liwanag....
Kambal sa lakas.....
Kami ang super twins..."









ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!