ACEBOMB
kiNuLAm aKo...
Adik na adik ako sa Harry Potter. Year 2001 ng simula ko 'to basahin at hanggang ngayon ay binabasa ko pa din. Hahaha. Hindi ko alam kung maganda talaga ang istorya ni Harry o talagang may lahi lang akong mangkukulam. Harry Potter books na yata ang Bible ko. Ang 7 books nito ang Holy Grail ng buhay ko. Sinubukan ko ding basahin ang Lord of the Rings books kaso ang lalalim ng English. Kaya pa naman ng utak ko kaso ang boring. Para akong nagbabasa ng El Filibusterismo. Wala pang humor. Ganda din ang Twilight kaso iba talaga ng orasyon na ginawa sa akin ni Harry kaya attached na attached ako sa kanya. Si Harry ang BUhay ko, at handa akong ipagpatayo ng altar sa may sala namin, Bakit kamo...?
  • -Kumpleto ako ng Harry Potter books mapa-paper back at hardbound.
  • -Harry Potter ang dektop wallpaper ko.
  • -Harry Potter ang screensaver ko sa computer ko (dinownload ko sa scholastic.com)
  • -Nagbabasa ako ng book ng Harry POtter kapag nagsi-cr ako, hehehe.
  • -Sampung beses ko pinanood ang Sorcerer's Stone sa sinehan, Sampu din ang Chamber of Secrets, Pito ang Prisoner of Azkaban, Siyam ang Goblet of Fire, Anim yata yung Order of the Phoenix at Pito ang Half-Blood Prince.
  • -Kumpleto ako ng soundtracks ng HArry Potter mula sa first movie hanggang sa last movie.
  • -Ginagawa kong magic wand ang sandok namin kapag nagluluto ako. Minsan yung kamay na kahoy na pangkamot sa likod.
  • -Kabisado ko lahat ng characters sa book.
  • -8am pa lang ay nasa labas na ako ng mall kapag first showing day ng Harry Potter movies (syempre para manood.)
  • -Nagpapareserve na ako ng book 2months before irelease sa National Bookstore.
  • -Binubulungan ko ng jinxes at spells ang mga taong badtrip ako.
  • -Dala ko hanggang sa school ang Harry Potter books kesa sa academic boks ko (para sikat).
  • -Nagsasabon muna ako ng kamay bago ko buklatin at basahin ang mga HP books ko.
  • -Ngumawa ako ng mamatay si Cedric, Si Sirius at saka si Dumbledore.
  • -Pinagseselosan ni BHE si Daniel Radcliffe.

Kainis lang, kasi tapos na ang kwento ng Harry Potter. Tapos na ang paghihintay. Haaaay. Wala na tuloy librong aabangan. wala nang excitement. Wala na ding aabangang adventure. Wala na talaga. Walang wala na. Pero si ACE, adik pa din. Adik pa din kay Harry. Maski na.

Ano kaya kung ituloy ko ang kuwento ni HARRY POTTER pero sa sarili kong version? Hmmmmm...hindi kaya magalit sa akin si St. J.K. Rowling nito? Aba, aba, aba, siya na kaya maging AKO?

ABANGAn.....


1 Response
  1. sayang tapos na ang harry potter...


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!