ACEBOMB
aNg dAGa nG bUhAy kO
Nakatulog ako pagkatapos kong magtake a bath kanina at nakita ko si Pauline na nakahiga sa sofa. Nakangiti pa ito habang natutulog. Sino kaya ang napapaginipan ng bruha.

Katulad ng routine ko pagkagising ay sa terrace ako pupunta para sumagap ng sariwang hangin. Malas na lang kapag tsismis ni Aling Beka sa baba na dinig hanggang taas ang masasagap ng tenga ko. Mga batang naglalaro lang ng chinese garter ang natatanaw ko. Mula kasi sa 2nd floor ay kita ang lahat ng nasa paligid, extending from east to north.
Nagulat ako ng biglang magtakbuhan at magsigawan ang mga bata. Meron palang dumaan na malaking daga sa harapan nila. Nawalan tuloy ng tao sa pinaglalaruan nila.
Nakita ko yung daga. Ang laki, sobra! Matatakot ang pusa kapag nakita yun. Dahil sa lekat na daga, naalala ko tuloy ang first kiss ko sa guy. Hahaha. Weird ba? Sa province namin, kinakain ang daga. Pero hindi katulad ng daga dito sa Maynila. Dahil ang "Dagang BUkid" sa amin ay vegetarian, as in. Kasi ang kinakain daw nila ay palay at hindi sila nagagawi sa basurahan kaya malinis. Masarap ang dagang bukid, lalo na kapag iniluto ng adobo nilagyan ng puro sili. Mas masarap pa sa karne ng manok.
Teka, mabalik tayo sa kwento ko. Ano ang kinalaman ng daga sa first kiss ko? Sumakay tayo sa Babilos ni Shaider at dadaan tayo sa timespacewarp ni Ida at ating balikan ang aking nakaraan.
Sa isang liblib na baryo sa lalawigan ng Nueva Ecija ako lumaki. Ang high school na pinagaaralan ko ay public at nasa kabilang baranggay pa at isang sabana na puro bukid ang dadaanan bago ka makaabot sa flag ceremony sa umaga. Apat kaming magkakabarkada nun. Ako, si Mark, si Harry, at si Tangzki. Para kaming F4 nung kapanahunan namin. Sikat kami sa school (ehem!) Pano ba naman, si Tangzki at Harry ay mga anak ng teachers. Kaya kahit anong kalokohan na gawin ay mapapalampas ng principal. Kahit magtayo yata ng fraternity magagawa nila sa lakas ng connection nila sa faculty. Si Mark naman, bukod sa pamangkin ni Mrs. Santos na teacher namin sa Filipino ay ang ultimate heartrob ng campus. Siya din ang pinakamalaki ang kalokohan sa amin. Pero sa aming apat, ay sa akin pinakatakot yung tatlo. Dahil ako ang president ng Student Body Council (si Mark ang nanalong escort). At hawak ko sa leeg ang mga students. Ako din ang valedictorian nun kaya sa ayaw nila at sa hindi, mas sikat ako sa kanila. Pero bilib din ako sa mga mokong na iyon kasi masunurin naman sila at law abiding students. Katulong ko pa nga sila sa pagpromote ng peace ang prosperity sa school.
Si Mark ang pinakabestfriend ko sa kanila. Simula 1st year high school ay sanggang dikit na kami. Dahil parehong letter S nagstart ang surname namin, lagi kaming magkatabi sa upuan. Gwapo si Mark. Moreno at saka matangos ang ilong at ska may magka singkit. Nang mga time na yun ay may syota siyang bilat. Ako din pala meron. Pareho kami. Pero hindi niya alam na gustong gusto ko siya. Hindi niya alam na pinagpapantasyahan ko siya sa bawat sulok ng bahay namin. Hahaha. Syimpre bestfriend ko yun kaya hanggang pagkakaibigan lang ang pwedeng umabot sa amin. Wala din akong balak na sabihin sa kanya yung tungkol sa akin at sa feelings ko sa kanya. Mahirap na baka majombag niya ako. Talagang hanggang tingin na lang ako sa kanya. Pagdating ng graduation ay nagkainuman kaming apat sa bahay nina Tangzki. Nagkakaiyakan pa kami nun kasi mamimiss daw namin ang isa't isa. Nagyayakapan pa kaming apat habang kumakanta ng INUMAN NA ng Parokya ni Edgar. Pagdating ng alas dos ng madaling araw ay lungayngay na si Harry at Tangzki. Ubos na din ang beer na iniinom namin.

MARK: Ihatid na kita sa inyo ha. Madaling araw na. Sa kabilang barangay ka pa
naman uuwi.

AKO: Tanga ka ba? Eh di kapag inihatid mo ako ay ikaw naman ang magisang uuwi
dito sa barangay niyo. At saka madilim sa sabana. Kahit ako na lang ang umuwing
magisa, sanay naman na ako."

MARK: Huwag ka nang makulit, ok? Ikaw ang bida ngayong gabi kaya dapat ay
nilulubos lubos ang pagaalaga sayo. 'Di ba sabi mo kanina sa speech mo ay huwag
kakalimutan at pababayaan ang mga kaibigan? Ihahatid na kita. Halika na.

AKO: (Nagiimagine lang ba ako? Mokong na ito ah, parang may laman ang mga
sinasabi, kinikilig naman ako.) Bahala ka na nga. 'Lika na.

Habang naglalakad kami pauwi sa bahay namin ay nagdadrama ang loko.

MARK: Bestfriend, sabi mo sa akin, sa Maynila ka magaaral. Totoo ba iyon? Baka
naman pwedeng dito na lang. Dun na lang tayo sa Cabanatuan.

AKO: Wala nang makakapigil sa akin eh. Saka naplantsa ko na yung plano ko sa
Maynila. Bakit? Pinipigilan mo ba ako?

Sa halip na sumagot ay tumigil si Mark sa paglalakad at naupo sa isang pilapil sa gilid ng daan (bukid ang gilid ng daanan kaya may mga daang pilapil). Oh 'di ba ang ganda ng setting at ang romantic ng scenario. Dalawang magkaibigan na naglalakad sa kabukiran sa gitna ng gabi.

MARK: Bestfriend, upo muna tayo dito. Magpababa lang tayo ng amats saglit.
Ano nga yung tinatanong mo?

AKO: Sabi ko, bakit ba ang dami mong tanong sa pagluwas ko sa Maynila?
Pinipigilan mo ba ako?

MARK: Kung pupwede nga lang napigilan ka eh. Pag wala ka na kasi dito ay wala na
akong bestfriend. Tapos wala pa akong kopyahan sa magiging school ko. Kasi wala
ka na.

AKO: Magtigil ka nga diyan mokong ka. Hindi bagay sa iyo. At saka lagi naman ako
uuwi dito. Apat na oras lang naman ang Maynila mula dito
sa....waaaaaaahhhhhhh...

Napasigaw ako kasi may dumaang DAGA sa paanan ko. Pati si Mark ay nagulat at pareho kaming natumba at napahiga sa bukid (ang ganda ng moment ko noh?) Natatawang tumayo si Mark at iniupo niya ulit ako sa pilapil. Saka umupo siya sa tabi ko as in malapit sa tabi ko. Nakatitig lang siya sa akin.

AKO: Ano ba ang nangyayari sayo? May sumanib ba sa iyo at mukha yatang kakaiba
ka ngyon. Alam mo hindi ako sanay na seryoso ka magsalita. Puro ka pa naman
kalokohan. Walang oras na hindi ka tumata...

Natameme ako ng bigla akong halikan ni Mark. Straight sa mga lips ko. At take note, hindi lang basta kiss. Matagal na kiss na gusto pa yata pasukin bibig ko ng tounge niya. Nagulat talaga ako. Gulat na gulat. Hindi nagsink-in agad sa akin yung moment. Hindi tuloy ako nakaganti ng kiss. Akala niya siguro ay hindi ako kikiss back kaya tumigil na siya.
Tumayo na siya. At saka itinayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi pa din ako nakapagsalita. Naglalakad na kami ay hindi pa din kami nagkikibuan. Tumango lang ako ng magpaalam siya. Awkward kasi ang situation. Hindi ko alam kung pano ako magrereact. Si Mark na astig. Si Mark na bestfriend ko. Kiniss ko. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon.
Kinabukasan ay pinuntahan ko si Mark sa kanila. Ang dami ko kasing tanong sa kanya. At saka gusto ko din ituloy yung kiss, hahaha. Pero sabi ni Ate Sharon, nanay ni Mark, inutusan daw niya sa Pangasinan si Mark. At sa isang araw pa ang uwi. Kinabukasan ay ako naman ang lumuwas ng Maynila. Dalawang beses lang ako umuuwi sa amin province sa isang taon. Hindi ko naman inaabutan si Mark sa kanila. Pati si Harry at Tangzki ay busy na din sa mga buhay nila. Minsan nagkainuman pala kami ni Mark. Pero parang ayaw na niya pagusapan. Parang gusto niyang ibaon na lang sa limot.
Sa ngayon ay may asawa na si Mark. Inaanak ko din ang eldest niya. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko high school life ko na part si Mark. Iniisip ko pa din hanggang ngayon kung ano kaya ang nagyari kung nakipaghalikan ako sa kanya. Siguro mas malalim pa dun ang nangyari.
Lekat kasing DAGA ito, pinaalala pa......
Labels: edit post
2 Responses
  1. Anonymous Says:

    oo nga naman. hahaha! sayang naman sana gumanti ka baka kung saan pa kayo napunta at magsex kayo sa damuhan bwahahaha! taray ng effect ha!


  2. Anonymous Says:

    ibang klase ang blog.. hehehehhe
    highschool moments LOL... may kasama pang shaider


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!