ACEBOMB
sAnTO SanTitA

Gusto ko lang papurihan at bigyan ng sampung palakpak ang mga santo santita at mga dakilang bloggers ng gay community. Sila yung mga taong hindi mo alam kung saan hinuhugot ang imahinasyon. Hindi nawawala ang kanilang mga blog links sa favorites blogs ng mga katulad kong PLU (people like us). Upon reading their masterpieces, para akong nakatagpo ng kakampi (drama). Araw-araw ko yata binabasa ang mga posts ng mga taong ito. Iba iba sila ng style pero syempre, pasok na pasok sa banga ang mga mumunti nilang istorya. 'Di ko pa sila namemeet personally pero feeling ko (feeling la
ha!), mahal na mahal ko na sila.





Dyandyararaaaaaan........!!!


Third Place!


WANDA ILUSYUNADA of www.anggandaniwanda.blogspot.com
Saludong saludo ako sa pangchochorba ng diyosang ito.


Ayon sa kanya...





hindi tayo magkakilala, pero madalas mo nang masilayan ang beauty ko.
akez ang kapatid mong lalaking panakaw na naglalaro ng barbie doll.
akez ang kumpare mong secretly in love sayo.
akez ang kalaro mo sa basketbol na bet ang physical contact, on and off court.
akez ang karpenterong pilit niloloko ang sarili kong lalaki ako, pero cr
ush na crush yung mason.
akez ang consehal na over kung magpigil ng sarili, pero kabog si ate regine pag nakakakita ng flying ipis.
akez ang fratman na kumukupal sa mga cute na neophyte.
akez ang jowa ng mga bilat na walang kamalay-malay.
akez ang tambay ng starbux at iba pang kapihan kc naghihintay ng ka-eyebol.
akez ang member ng fitness first at iba pang mga health club, kc masaya sa loo
b ng sauna.
akez ang parloristang nag papaganda sa mga ate at nanay mo, at gumugupit sa buhok mo. at gustung-gusto mo ang gupit ko kc bumabalik ka sakin.
akez ang mga baklang masho-shondang rumarampa sa mga parke at plaza.
akez ay isa sa mga trans na nagpapa-pick up sa quezon ave.akez ang anino ni diego, ang pambansang bading, at iba pang artistang bading na ginagawang katatawanan sa tv.
akez ang stand-up comedian sa mga bars na nang-ookray sa mga kaokray-okray kaya ok lang.
akez si magdalena, si mulan, si zsa zsa zaturnnah, si valentina, si sailormoon at lahat ng karakter sa tv, sine at komiks na pangarap naming isuot ang costum
e.
akez ang kandidata ng bawat miss gay beauty pageant sa pateros, tondo, taguig at kung saan saan pa.
akez ang bagets na kabisado lahat ng maliliit na detalye ng miss international, world at universe; at nakapili kami ng gusto naming evening gown.
akez ang nyoklang humahada sa madidilim na sulok ... pati na rin sa maliliwanag.
akez ang bading na minsan nangarap maging mermaid o prinsesang ikinulong sa napakataas na tore ng isang witch na chaka.
akez ang isa sa mga pumupuno sa maluluwang na kalye ng nakpil
at orosa kahit ordinaryong araw.
akez ang mga paminta at mga effem, na kung iisipin mo wala namang pinagkaiba.
akez ay isa sa mga parokyano ng mga bath houses na nagkalat sa maynila.
akez ay isa sa mga anonymous names sa chatroom, naghahanap ng b
ooking and/or relasyon.
akez ay ang baklang umiiyak pag nasasaktan, nagdudugo pag nasusugatan, humahalakhak pag may nadadapa. pusong babae, bitukang lalaki.
gaya mo rin ako ... iba lang talaga ang trip ko at ng ibang tulad ko ...
hindi dapat sabihing kaming mga bakla ay nabubuhay sa mundo ng ilusyon. kc unfair yon. lahat nag-iilusyon. kahit yung mga driver-sweet-lover, TODA at CONSTRU ay malalakas mag-ilusyon. kc ang pag-iilusyon bahagi ng kapangyarihan ng bawat nilalang -- mapalalaki ka man o babae. gift yan ni Papa God. (tenkyu po!) kaya go, gamitin mo.
ito ang mga kwentong parlor na naganap at nagaganap sa buhay
ko at ng ibang katulad ko. at wag ka, ang dami na namin. meron na nga kaming sariling friendster, kala niyo. at mayroon naking sariling special day, parang mother's day o father's day. bobah!?! gay pride day, hindi happy gay day.
hindi ko layunin na maintindihan niyo ako o tanggapin ang mga bagay na sasabihin ko. pero sa mundong hinahaluan ng kulay ng pag-iilusyon, ito ay isa sa mga kaganapang tunay at totoo.
ako si wanda, at eto ang aking kwento. i just want u to know (naks, nosebleed!!!), gaya ng ibang mga kapatid ko sa pananampalataya, ang ganda-ganda ko ...
FINE! pati na nga ikaw!




Second Place!

MIGZ the Manila Gay Guy of www.manilagayguy.net


Ang dami ko ndiscover sa sarili ko nang simulan kong basahin ang blog niya (nakz!) Pumapatak pa ang tears ko kapag binabasa ko yung mga posts niyang may label na MIGS SPEAKS.
And according to him, este to her, hmmmmm, to him na lang......?




Hi, my name is Migs, and yes, I am the Manila Gay Guy.
I’m a Filipino gay dude, I have a day job in one of Manila’s IT hubs, so I’m partly techie. But really, I enjoy a lot of other things aside from techie stuff. Like beautiful poetry, good food, adventurous outdoorsy trips (beaches! mountains! caves!), casual conversations, intellectual discourses, jologs discourses, music and movies, bonding with frie
nds, and of course… let’s not forget, goodlooking boys slash men. Hahaha!
What can you expect from this site? Well, I write about anything a gay guy like me would be interested in (with hope that it would interest you too!) I grew up, and am still, in Manila so you can also expect that most of the happenings that I write about would be focused on those in the vicinity.
And by the way, for non-Filipino gays out there, American gays, European gays, Chinese gays, Japanese gays, all foreigner gays, etcetera, since the Filipinos are known for their hospitality, let me, the Manila Gay Guy, be your Manila Gay Guide. If you are looking for something not already contained in this site, don’t hesitate to email me at
manilaga
yguy@gmail.com — or use the contact form in this site.
Lastly, let me tell you that I am both real, and a product of some weirdo’s imagination, so I beg, give me the benefit of the doubt. Like every Miss Universe candidate, I say, “World Peace!”




Ito sana ang winner.....kaso, nag-"get lost" na siya.


Agent Boytoy of www.agentboytoy.blogspot.com
Say naman niya...
Blogger ako.
Lalake ako.
Pero ang trip ko… mga bading.
Boytoy nga daw ako.Pero di ako bayaran.
Lubos at tunay kong minamahal ang mga bading
na karelasyon ko.
At ang message ko sa sangkabadingan…“to all the gays out there… i’m all yours…”

Yun lang, pero rock! Hehehe.

You can read my previous post about this guy. Kung nasan ka man Agent Boytoy, miss na miss na kita. Wabyu na talaga, hehehehe.


kaya ang grand winner ay si...

MALDITO of www.thegreatmaldito.com

speech naman niya...


Sino ako?

Ilang taong din akong hinamak, dinuraan at kinunan ng purit dangal ng mundong makasalanan. Sabi kasi nila, (ng mga boses sa paligid ko) pinanganak daw akong walang talent, at lalong lalo na walang kwenta. Pero sa murang edad ko, virgin na virgin sa mata ng matatanda, indi ako naniniwala.

Sinabi ng nanay ko na may future pa daw ako. Pero tinanong ko siya kung saan. Indi siya makasagot. Tinalikuran nalang ako ng bigla, pumunta ng kusina at nagsaing. Pero inisip ko na lang may kasagutan din sa mga katanungan ko. Matino akong tao, pilit ko yang pinapakain sa ego kong kasing laki ng ice berg.

Sino ba talaga ako?

Isa lang naman akong lumot dito sa mundo ng ternetz. Walang kabuhay buhay, malamya at walang kakislap kislap. (Meron bang lumot na kumikislap?) OO. Ako. At ako lang ang may kakayanan na ganyan. Arte.

Daming naghihinala kung sino talaga ang tao sa likod ng mga salita, kwento at sa likod ng blog na to. Gustuhin ko man na ilathala ang totoong buhay ko dito, indi pwede. Indi ako celebrity, indi ako dyaryo at indi ako karinderya na utang na loob, bukas sa kung sinong gustong dumakma at lamunin ang aking pagkabuo. Kidding.

Gusto kong manatiling ganito. Yung indi masyadong pakipot at indi din masyadong nakatiwangwang. Maganda yung iwan ko ang mga readers ko (kung meron man) ng munting imahinasyon kung sino talaga ako.

Pangalanan niyo ako ng kung ano ano.

But I prefer you guys to call me….

The Great Maldito.


Kung si Agent Boytoy ay saint, si Maldito naman ay living saint. hehehe

Palakpakan natin ang mga taong ito. Dahil ang kanilang malilikot na isip at magaling na pagoobserba ay patuloy na humuhubog at nagpapabago sa ating mga bubot na kaisipan. Panalo!

Isa lang ang message ko sa for the rest of you guyz, just continue doing your thing dahil may isang kaluluwa dito sa isang sulok na humahanga at sumasamba sa inyo. May ganoooon?! Bwahahaha!

Klap! Klap! Klap! Klap! klap!

2 Responses
  1. Gennosuke Says:

    hindi naman ako yan eh.di nga?ahahahhaa..sos to...matagal na pala to?hahahhaa..salamat...hindi ko alam kung ano nakita niyo sakin...pero iwan..sira ulo din siguro kayu.lols

    Maldito


  2. acebomb Says:

    matagal ko na binabasa ang posts mo pero bago lng tong blogsite ko bro..hehehe...ingat lagi..d ka naman pala snob..:)


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!