ACEBOMB
bOmBa Ni ACE
Akin ang blog na ito, kaya ako ang bida dito. Hehehe. Sawa na kasi ako sa kakaFarmville sa Facebook at kapapalit ng layout ko sa Frienster kaya Blogging naman ang trip ko. Dami din kasi akong ideas na nasa utak ko lang, dito sa blog ko, pwede kong ilabas.

By the way, itago nyo na lang ako sa pangalang ACE. Nasa 20's pa lang ako, bata pa. Katulad ng idol kong si Agent Boytoy (sumalangit nawa) isa akong lalaking nagmamahal din sa katulad kong lalaki. Ewan ko ba, nangaaway naman ako kapag tinatawag akong bading o bakla. Pakiramdam ko kasi nasasagi ang pagkalalaki kong hindi ko alam kung saan nakatago sa katawan ko, hehehe. May mga kaibigan akong malalamyang kumilos pero hindi mo ako mapapasama sa mga taong crossdresser. Takot kasi ako sa itak ng erpat ko. Baka kapag nalaman nun kung ano talaga ako, baka umuwi ako dito sa Maynila galing sa probinsiya na may tarak ng itak sa likod. Kaya sa pagkilos, pananalita at pananamit, lalaking lalaki talaga ako, at gusto ko pati mga nakakasama ko ay walang bahid din. But I must admit na sobrang sayang kasama ng mga effeminate. Sa maniwala kayo at sa hindi, grade 6 ako ng nalaman kong may kakaiba sa akin. Napasigaw na lang ako isang umaga ng "....Oh, Hindi" ng matuklasan kong may crush ako sa isang classmate kong guy na uhugin. Pero siyempre, akin lng yun. Hindi ko pwede isulat yun sa slumnote ng classmate kong chismosa na sipsip sa teacher ko.

Masaya ako sa buhay ko. Dami kasi akong kalokohan. Ineenjoy ko lang buhay ko. Bininyagan akong Katoliko. Pero hindi ko alam kung ano ang relihiyon ko. Sa ngayon, pamilya ako ng Born Again pero ako lang ang hindi. Hindi nila ako maconvert, hahaha. Dugo na ang ininvest ng family ko para maging Born Again ako, pero d sila nagsucceed. Naguguilty na nga ako, feeling ko, ako ang black sheep sa family. Every Monday dati namomroblema ako kung saan ako tatambay, kasi hindi pa ako pwedeng umuwi sa bahay dahil saktong alas 7:00 ng gabi ay may Bible Study. Ah basta, masaya ako sa buhay ko, bahala sila. Alam naman ni Papa Jesus na love na love ko siya.

Nakita ko kanina account ng ex-girlfriend ko kanina sa Facebook. Naalala ko tuloy mga naging ex's ko na sineryoso ko. Mapagmahal naman kasi ako. Tatlo na ang naging gf's ko at saka apat na bf's, pero ayoko matawag na bisexual. Basta promise ko sa sarili ko, mapababae man o lalaki ang karelasyon ko, astig at maangas pa din ako, hehehe.
Labels: , edit post
1 Response
  1. Anonymous Says:

    naks naman. yun yun eh. hehehe!


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!