"...Can’t read my, can’t read my
No he can’t read my poker face
(She gotta love nobody)
Can’t read my, can’t read my
No he can’t read my poker face
(She gotta love nobody)..."
Nakakailang steps pa lang ako paakyat sa hagdanan ng apartment ay malakas na kanta agad ni Lady Gaga ang sumalubong sa tenga ko. Galing ako sa Robinson's Ermita at sa pagkakaalam ko ay si Samantha lang ang naiwang tao sa bahay bago ako umalis. Nang ipapasok ko na ang susi sa doorknob ay bigla itong bumukas.
Nakakailang steps pa lang ako paakyat sa hagdanan ng apartment ay malakas na kanta agad ni Lady Gaga ang sumalubong sa tenga ko. Galing ako sa Robinson's Ermita at sa pagkakaalam ko ay si Samantha lang ang naiwang tao sa bahay bago ako umalis. Nang ipapasok ko na ang susi sa doorknob ay bigla itong bumukas.
"Kuya
Aaaccceeeeeee...............!!!!!!!".
Halos sumabog ang tenga ko sa lakas ng tili (TILI as in, hindi sigaw) na iyon ng nagbukas ng pinto. Hindi ako agad nakapagsalita kasi hindi ko talaga siya kilala. Isang payat at maliit na lalaking nakapamaywang pa man din sa harap ko.
"SINO KA BA?" mabilis kong tanong.
"Kuya Ace naman eh. Hindi mo ba ako natatandaan.
Ako si Fhaong. Yung pinsan niyong taga-Munoz. Ang bunga ng pagmamahalan ni Aling
Sureng na asawa ni Mang Napo." Papungay pungay pa ng matang sabi
nito.
Napakunot noo ako habang nagisip na napatingin sa kisame. May kilala akong Fhaong na 2nd cousin namin na nakatira sa province, sa Munoz, Nueva Ecija at bata pang uhugin ng huli kong makita at pero hindi pwedeng maging siya yun.
"Ikaw ba si talaga si Fhaong? Teka, hindi ba
lalaki lalaki ka nun? Ano nangyari sa iyo? Bakit sa halip na magbinata ay parang
iba ka ngyon. Parang may mali sayo?"
"Nangasar ka pa Kuya Ace. Kaasar ka. Halika na
dito sa loob at may mga dala ako galing probinsiya, at may sasabihin na din ako
sa iyo."
Nakalimutan kong nasa may pintuan pa pala ako. Pumasok ako habang nakatingin kay Fhaong na kekembot kembot habang inilalabas ang mga gulay na dala na nasa loob ng isang bayong.
"Kainech si Mudra, sabi ko sa paper bag na lang
ilagay mga padala sa inyong gulay para sosyalin ang dating ko pagsakay sa bus
kaso wala daw paper bag kaya sa bayong na lang, haaaaay. sira tuloy ang beauty
ko habang wumawagayway sa mga kamay ko ang jologs na bayong na
iyan."
"Nasaan si Samantha at saka paano mo nalamanNatatawang tanong ko habang pinagmamasdan ang loko.
puntahan itong sa amin?"
"Gumora siya, ewan ko kung saan. Kaaalis lang
niya. Hindi pa kayo nagkasalubong sa labasan. Si Samantha ang nagturo sa akin
kung paano pumunta dito at saka siya ang sumundo sa akin diyan sa may labasan.
Nahiya nga ako sa may tambay sa labas na gwapo kasi naglawitan ang mga gulay na
dala ko. Sori nga pala kasi pinakialaman ko yung sounds mo diyan. Naiinip ako eh.""Ok lang yan. Teka, bakit ka ba napadpad dito sa amin?"
"Hay naku Kuya Ace, sawa na akong magsaka sa
bukid. Nabuborya lang ang skin kong pangstarstruck dun. Suggest sa akin ni Mudra
ay dalawin ko daw kayo dito at baka meron daw ikaw alam na pwede kong pasukan.
Nagpaalam na din ako kay Mama mo na dito muna ako stay habang naghahanap ng
work. Ok lang ba Kuya, lilipat din ako ng haus kapag nakahanap ako ng
work."
"Sige ok lang para may tumatao dito sa bahay
kapag wala ako at nasa school si Samantha. Ano ba ang nangyari sa iyo? Hindi
kita nakilala ah."
"Nagulat ka ba ng nasight mo ako kanina? GanunPumipilantik pa nag kamay ng loka habang nililinis ang isdang tilapya.
talaga ang buhay. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros ang drama ko ngayon, o 'di
ba sosi. Yung classmate ko nung high school eh, inahitan ako ng kilay, hayun
napansin kong bagay sa akin. Naging bakla na ako. Hihihihi! Imbyerna nga sa akin
si Tandang Napoleon kasi hindi niya inakala na ang unico hijo niya ay lalaking
Darna. Keber ko, basta ako, dalaga na. Ay mali, dalaginding pa lang pala. At
saka Kuya Ace, iba na ang name ko ngyon. Bininyagan ako ng bago nung Hermana
Mayora namin sa province. You can call me Pauline na. Ito na lang isda
ang lunch natin ha, iluluto ko
na."
"Ikaw ang bahala. Hindi na kita kokontrahin.
Basta habang nandito ka ay dito ka lang sa loob ng bahay kasi wala kang kilala
diyan sa labasan. ok?"
"Sure, Your Highness. Sige rest ka muna diyan at
habang nandito ako ay ako muna ang bahala sa trabaho dito. I'm a slave for you.
Infairness sayo Kuya ha, Nagtitisoy ka. Gumugwapo ka. Ibang iba ka na ngayon.
Para kang taal na taga Maynila, samantalang ako ay Kirara pa din. Parang hindi
dumaan sa evolution. Sino ba ang girlash mo ngayon?"
"Wala sa ngayon. Kabebreak ko lang. At ayokoSiyempre kailangan kong magsinungaling kay Fhaong, na Pauline na pala ngayon. Dehins niya pwedeng malaman na katulad niya, ay dumaan din ako sa yun na yun. Iba nga lang kami ng level dahil ako walang bahid. At sigurading patay ako kapag nalaman niyang iisa ang lipad namin. Baka ma-headline ako sa mga kamag-anak namin sa province. Sana hindi niya malaman ang lihim ko.
pagusapan. Baka umiyak ka lang diyan."
"Sige liligo muna ako at mainit sa labas, Feel at home ka lang
diyan. Doon mo na ilagay sa cabinet na iyon yang things mo."
"Go lang Kuya Ace kong pogi. Thank you
verimacha. Magiging masaya for sure ang pagstay ko ditech. Bwahahaha.
Magwowonder Girls muna ako habang nagluluto."
"...I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nan dareun sarameun sirheo niga animyeon sirheo
I want nobody nobody nobody nobody..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
aba naman at nagdadalaga nga talaga ang loka. naku neng baka maamoy ka. ingat ingat lang. hahaha!
ang cute, naiimajin ko si maximo oliveros kay pauline...bading na may clip sa buhok.