ACEBOMB
nAsaAn Si AGENT BOYTOY...???
Sangkatutak ang nagtatanong sa akin kung sino daw ba si AGENT BOYTOY. Bakit daw bukambibig ko siya sa mga posts ko? Bakit daw parang idol na idol ko siya?

Si Agent Boytoy ay isang santo. Napapasign of the cross pa ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Sumulat siya dati ng blog na pinamagatan niyang "Ang mga Tilamsik ni Agent BOytoy". Ayon sa kanya...

Blogger ako.
Lalake ako.
Pero ang trip ko… mga bading.
Boytoy nga daw ako.
Pero di ako bayaran.
Lubos at tunay kong minamahal ang mga bading na karelasyon ko.
At ang message ko sa sangkabadingan…
“to all the gays out there… i’m all yours…"

Angas 'di ba? Astig na astig para sa akin itong si Agent. Kulang na lang patayuan ko siya rebulto at lagyan ko ng lapida na may nakasulat na "STATUTE OF THE GREAT FHA-MEN".

Ang galing galing ni Agent. Mas maganda pa ang kwento ng buhay niya kesa sa mga kwento sa pocketbooks ni Gilda Olvidado. Hindi nakukumplero ang araw ko kapag hindi ako nakabasa kahit isang post niya. Kahit paulit ulit kong basahin ay hindi ako nagsasawa sa nakakatawang style ng pagsulat niya. Lalo na kapag ang topic ay ang kanyang one and only love na si Cupcake (guy din, syempre). Wala din siyang inhibitions sa pagkwento ng kanyang mga past sexperiences. Pero makikita at mararamdaman mo ang laman at lalim ng kanyang sinusulat.

Madami ang may gustong makilala at makita si Agent. Pero isang tao lang ang nagtagumpay. Siya ay ang blogauthor ng manilagayguy.net na si Migs. Ayon kay Migs. nagkaroon sila ng encounter ni Agent. Inggit na inggit ako kay Migs ng mga time na yun.

Hindi ko alam kung bakit, pero isang araw ay bigla na lang nagpaalam si Agent Boytoy na sa kanyang mga readers, tagasunod at mga parokyano na ititigil na niya ang pagsusulat sa kanyang blog at idedelete na niya ang kanyang account. Walang nakapigil sa kanya.

Hinanap ko si Agent Boytoy. Sinearch ko siya sa internet at kung saan saan pang lupalop ng computer world. Pero nabigo ako. Ang tanging naiwang bakas niya ay ang pagkikita nila ni Migs. Nangingiti pa din ako kapag naaalala ko ang kakaibang buhay ni Agent Boytoy. Instead na ikahiya ay inenjoy lng niya ang buhay ng pagiging isang astig na bading. Miss ko na siya. Pati ang mga kasambahay niyang lagi niyang ikinukwento sa kanyang blog.

Please visit
kung gusto niyong makita ang ilang pics ni Agent Boytoy at ang malatelefantasyang pagkikita nila ni MIGS. Thanks Migs.
6 Responses
  1. idol ko din yang si Agent Boytoy


  2. wala na ba talaga si AGENT bro?


  3. Anonymous Says:

    nabasa ko rin yang post ni migs. kakalurkei nga eh. mukha daw talaga delicioso si agent. huhuhu! sayang wala na nga siya talaga...


  4. Agent Boytoy Says:

    hi.. wow. sinearch ko agent boytoy at may naghahanap pala saken. haha.. salamat at nagustuhan mo pagsusulat ko... buhay pa ako! hahaha..

    sela sela pa den ang nasa buhay ko. si cupkeyk, ferdie hahaha.. sige. yon laang!

    sige yon lang


  5. Agent Boytoy Says:

    tsaka yaong titulo ng blog ko eh hinde tilamsik ni agent boytoy.. ang mga karanasan ni agent boytoy yaon.. hahaha


  6. Musta na kaya si Agent Boytoy? Sana mag-blog na ulit s'ya :)


Post a Comment



ACEBOMB

  • web counting

    DAT'S ME!

    My photo
    AKO SI ACE. ASTIG SI ACE. MAANGAS SI ACE. PERO MABAIT AT MAPAGMAHAL SI ACE. SINDIHAN NA ANG MITSA, TAKPAN NA ANG MGA TENGA AT HUMANDA NA SA PAGSABOG NG MGA BOMBA NI ACE. KABOOOOM....!!!

    TAG CLOUDS!

    CHIKA! CHIKA!

    MGA KOMENTO!